^

PSN Opinyon

Suspension Suspense

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NOONG Setyembre 11 ay pinadalhan ng komunikasyon ng Sanidganbayan 4th Division si House Speaker Sonny Belmonte na dinidiktahan itong ipatupad ang preventive suspension kay Cong. Gloria Macapagal Arroyo. Ang pagdisiplina sa mga miyembro ng Kongreso (Senators and Congressmen) ay isang sensitibong isyu na nangailangan ng sarili nitong probisyon sa Saligang Batas. Ayon sa Article VI, Section 16(3), tanging ang Kapulungan ang maaring magparusa sa mga Kagawad nito at kung ang parusa ay suspensyon o pagtiwalag, kailangan ng 2/3 vote para ipatupad.

Ang mga probisyong katulad nito ay garantiya ng independence ng Kongreso. Lalo na laban sa mga desisyon ng ibang kagawaran ng pamahalaan.  Siyempre, hindi ito kalasag na gagamitin laban sa mga proseso ng batas sakaling may nilabag sila at kailangan silang arestuhin. Mayroon man silang privilege from arrest sa ilalim ng Section 11, Article VI ay para lang ito sa mga krimen na may parusang hindi hihigit sa anim na taon. Kapag mas malubha ang krimen, hindi nila puwedeng matakasan ang aresto.

Ang suspensyon ay iba sa dismissal o pagtiwalag. Sa tanang kasaysayan ng Kongreso sa America, kung saan batay ang mga patakaran ng ating Kongreso, ni minsan ay walang sinuspinde na Senador o Kongresista. Ang katwiran ay maliwanag – kapag reprimand o fine lang ang ipataw na parusa, mabibigyan ng bindikasyon ang dignidad ng Kapulungan nang hindi natatanggalan ng re­presentasyon ang mga botante. Ganundin kung dismissal o pagtiwalag dahil maari agad mapalitan ang nagkama­ling mambabatas. Subalit kapag suspensyon ang ipataw, mawawalan ng boses ang mga botante. May nakapuwesto nga subalit ito nama’y binusalan at walang pakinabang.

Ito ang konsiderasyon kung bakit lumalaki ang isyu sa pagsuspinde ng mga Mambabatas. Sa nakaraang mga kaso nina Cong. Paredes at Sen. Miriam Defensor Santiago, pinasya man ng Mataas na Hukuman na ang suspensyon na itinalaga sa Ombudsman Law ay maari ding ipataw sa mga mambabatas, ay hindi rin ito naipatupad matapos ibaba ang desisyon. Hindi sumunod ang Kongreso.

Ito ngayon ang pinag-aaralan sa House sa kaso ni GMA. Sa Senado, sa kaso nina JPE, Jinggoy at Bong, kahit sinuspinde agad ni Sen. Pres. Drilon ang tatlo, hindi pa rin natatapos sa plenaryo ang usapin na kung dapat pagbotohan ng buong Kamara ang suspensyon.

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE

KAPULUNGAN

KONGRESO

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

OMBUDSMAN LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with