^

PSN Opinyon

Empty containers

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI paman lubusang nalulusaw este nahahakot ang mga nabubulok na container sa kaharian ni “Hugas Kamay” Bureau of Customs commissioner John Sevilla, aba’y nagpalakpakan na itong mga motorista at Manileños.  Paano kasi ikinumpas na ni Pres. Noynoy Aquino ang kamay na bakal sa lahat ng mga “tusong” shipping lines companies ang paghahakot ng mga empty container patungo sa Subic Free Port upang ang pangarap ni President/Mayor Joseph “Erap” Estrada at “Boy Sita” /”Boy Hatak” Vice Mayor Isko Moreno na mapaluwag ang mga kalye ng Maynila ay matupad na, hehehe! Palakpak naman diyan mga suki! Hindi basta-basta itong kautusan ni P-Noy na balewalain ng mga shipping lines companies dahil ang kautusang ito ay napapanahon sapagkat unti-unti nang nahahatak pababa ang rating ng presidente at sumasadsad na rin ang ekonomiya ng bansa. Sa ngayon nagtataasan na ang mga presyo ng mga bilihin sa merkado dahil sa pagtaas ng mga bayarin sa pagta-transport ng mga imported products mula  sa kaharian ni Sevilla.

Idagdag pa riyan ang abot langit na pambabraso ng Manila City Hall sa  implementation ng truck ban na kahit na umaandar ang makina ng truck sa pilahan sa may kahabaan ng Katigbak at Road-10  papasok ng Manila South Harbor at Manila Internation Container Port ay nahahatak pa ng mga dayukdok na towing companies.  Natural na tumatagingting na P5,000 to P7,000 ang mahoholdap sa trucking operators naidadagdag sa gastusing ng mga brokers, importers at businessmen. Ang masakit binalewala ng mga shipping companies ang hinaing ng mga brokers, importers at businessmen sa pagsasauli ng mga basyo dahil kailangan tuparin ang kontrata na sa bawat araw  na hindi nai-sasauli ang mga empty container sa takdang oras ay pagmumultahin  ang mga trucking firm ng mula sa P1,500 to P2,800. Wow! Malinaw na monkey business ang nasa isip ng mga shipping lines di ba mga suki?

Ayon kasi sa aking mga kausap  sa pier, ang 15 shipping lines companies pala na ito ay walang sariling container yards na pag-iimbakan ng mga container kung kaya napupuno ang yard nina International Container Terminal Services Inc., Don/President Enrique Razon at Asian Terminal Inc., Don/Chairman Rashed ali Hassan Abdula at Director/President Eusebio H. Tanco na siya naman sinasamantala ng isang nagngangalang alias “Jun” na ang balita ay kumikita ng P1,500 kada empty container. Malinaw na ang suhulan sa pier ay milyones ang naibubulsa ni Jun. And speaking of towing companies, mukhang lumampas na yata ang kaduhapangan ng mga ito dahil wala na silang ginawa kundi magbantay sa mga trucking sa kaharian ni Erap at Isko. Malakas ang mga loob nito na mambraso sa mga drayber dahil sa todong suporta si MPD director Chief Supt. Rolando Asuncion. Laganap na ang krimen sa kaharian ni Erap subalit isang katerbang pulis pala ni Asuncion ang nakatalaga sa mga accredited towing companies upang proteksyunan ang mga Wrecker Crews sa kalye. Hehehe! Gen. Purisima Sir, pakibusisi nga itong mga naka-detail na pulis sa Wrecker o Towing Companies ng Manila City Hall. Abangan!

ASIAN TERMINAL INC

BOY HATAK

BOY SITA

BUREAU OF CUSTOMS

COMPANIES

ERAP

MANILA CITY HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with