^

PSN Opinyon

Pulisya: Sirang imahe sa ilalim ni Purisima

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PINASYA ng 128 negosyo sa Ermita-Malate, ang Manila tou-rist districts, na pag-ibayuhin ang kanilang seguridad laban sa krimen. Bawat isang hotel, condo building, restaurant-bar, bangko, souvenir shop, art gallery, at travel agency ay magkakaroon ng hand-held radio communication sa isa’t isa. Ito’y para makapag-tulungan sila sa pagprotekta ng mga turista, na masyado nang binibiktima ng mga holdaper, mandurukot, at mandurugas. Hindi na raw kasi nila maaasahan ang pulisya. Mabagal ang responde. Ni hindi makontak ang police stations; parating sira ang radyo, telepono, at computers. Kung gan’un na ang sitwasyon sa umano’y elite na Manila Police Department, malamang na mas malala sa iba pang tourist zones ng bansa.

Samantala, ie-extend ng Philippine National Police hanggang 2015 ang validity ng firearms licenses na mag-e-expire ngayong taon. Ang palusot nila, ito’y para  raw maipaliwanag ang mga bagong alituntunin sa pag-aari ng baril. Pero sa totoo, hindi kaya ng PNP mag-renew ng expiring licenses. Kasi, sinentro ni Director General Alan Purisima sa Camp Crame GHQ lahat ng license renewal. Mahigit 1.7 milyon ang rehistradong baril, at 621,000 ang mag-e-expire ngayong taon. Para ma-renew lahat ito, kailangan ma-process ang PNP ng 2,352 lisensiya kada araw -- lima kada minuto -- para maagad ang backlog.

Palpak ang palakad ni Purisima. Hindi masawata ang araw-araw na patayan sa kalye sa pamamagitan ng riding motorcycles in tandem. Sa sobrang limit ng cell phone snatching, ni hindi na nagre-report sa pulisya ang mga biktima; katwiran nila, wala naman mangyayari; ni ayaw ng pulis aminin ang tunay na luma­lalang crime rate. Inaatupag lang ni Purisima ang pagtayo ng bagong mansion sa Camp Crame -- halagang P25 milyon na ibinalato raw ng mga kaibigang ayaw pangalanan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

BAWAT

CAMP CRAME

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

INAATUPAG

KASI

MANILA POLICE DEPARTMENT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with