Kickback at Cakeback sa Makati

TAMA lang na iniimbestigahan sa Senado ang mga bintang na may overpricing sa pagpagawa ng P2.2 billion na parking building sa Makati City. Ayun sa mga ulat, ang mga floor daw na puwede mag-park ang mga sasakyan ay magmula basement hanggang 6th floor. Samakatuwid, walang partitions o rooms ang mga floor na iyan at walang mga sariling banyo at palikuran at mga bintana na magpapamahal sa halaga ng building. Kaya talagang nakapagtataka na aabot ‘yan ng P2.2 billion.

Tungkol naman sa mga birthday cakes na pinapadala ng mga Binay sa mga senior citizens ng Makati, dapat maimbestigahan kung sinu-sino ang mga bakery na gumagawa ng cakes. Mayroon ba silang mga business permits at mga health certificates? Nagbabayad ba sila ng mga income tax sa kanilang mga kinikita? Nagbabayad ba sila ng minimum wage?

Sabi ng iba, let’s give the Binays the benefit of the doubt pero maraming ulo ang napapailing dahil maliwanag naman daw na wala nang doubt na malaking-malaki na ang naging benefits ng mga Binay sa paghawak nila ng Makati magmula pa noong 1986.

Kung wala raw silang mga cakeback at kickback sa mga transaction sa Makati, saan daw sila kumuha ng panggastos para sa kandidatura noong 2013 ni Senadora Nancy Binay, ni Kongresista Abigail Binay at ni Mayor Jejomar Binay Jr. At noong 2010, saan kumuha si Jejomar Sr. ng panggastos nang tumakbo siya at nanalo bilang Vice President?

Gusto ko sana bigyan ang mga Binay ng benefit of the doubt pero dahil sa simple kong kaalaman sa arithmetic, hindi ko mabalanse ang halaga ng kinikita ni VP Binay bilang public official at ang ginastos niya para sa kandidatura niya at halos buong angkan.

Show comments