Magsalita para naisin ng tao makinig sa iyo

PAANO magsalita para naisin ng mga tao na makinig sa iyo? Sagot ni Julian Treasure: wastong paggamit ng tunog (ng boses). Chairman si Treasure ng Sound Agency, na nagpapayo sa mga pandaigdigan negosyo -- otel, tindahan, retailers -- ng tamang tinig.

Payo ni Treasure, iwasan ang “pitong malalalang kasalanan” sa pagsasalita. Ayaw makinig ng tao kung ang sinasabi mo ay:

(1) Tsismis, o paninira sa wala doon, kasi pagdududahan ka na itsitsismis at sisiraan mo rin sila.

(2) Mapanghusga, o pagmamaliit sa taong kausap mo.

(3) Negatibong pananaw, na animo’y magugunaw na ang mundo.

(4) Puro angal, na wala namang katuturan.

(5) Palusot, at pagbintang sa iba ng mga hindi mo tinupad.

(6) Pagbubulaan, pagsisinungaling.

(7) Dogmatiko, at pinaghahalo ang aktuwal at opinyon.

Meron ding apat na positibo at maimpluwensiyang pagsasalita, ani Treasure. Ito ay kung ang sinasabi mo ay:

(1) Taos-puso -- malinaw sa nais mo ipahayag.

(2) Totoo -- natural ang sarili at sa salita.

(3) Matuwid -- tinutupad ang sinasabi, at katiwa-tiwala.

(4) Mapagmahal -- hangad lang ay kabutihan ng kapwa.

Mahalaga din ang paraan ng pagsasalita, pahabol ni Treasure:

• Tumatalab -- ma-awtoridad kung mas mababa ang boses mula sa dibdib.

• Tinig -- damdamin at dating, kasama na ang lakas at tono.

• Sigla -- kaduda-duda at nakakabagot ang singsong, o taas-baba ng boses na parang nanloloko o nagmamaliit.

• Bilis -- ang matulin na paglalahad, tapos mabagal na pagdidiin, at pagsingit ng katahimikan, ay napaka-epektibo.

• Volume -- akmang bulong, sigaw, o natural na tinig.

Show comments