^

PSN Opinyon

Saklaan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PARA sa kaalaman ni Cavite police provincial director Sr. Supt. Joselito Esquivel, centralized ang sakla operation ng isang alyas Junel sa probinsiya. Ang sentro ng pakikipag-usap ni Junel ay si Mang Jun Guinto na isang pulis, ang umaaktong management ng illegal na negosyo niya. Kaya ang parating para sa bagman mo Col. Esquivel at iba pang operating units ng PNP, NBI, GAB, at pati sa mga kasamahan sa hanapbuhay ay kay Mang Jun dumadaan. Kaya tahimik ang tabakuhan sa Cavite dahil kay Mang Jun, di ba mga suki? Imbes na magkulong sa air-conditioned niyang opisina, dapat lumabas at mag-ikot si Esquivel dahil tumataas na ang crime rate sa Cavite kaya kailangan ang aksiyon niya. ‘Wag namang pakuya-kuyakoy sa iyong opisina at maghintay na lang ng parating mula sa sakla ni Guinto, na isang pulis Bacoor, at sa mga nagkalat na peryahan. Ano ba ‘yan? Para sa kaalaman mo Col. Esquivel Sir, ang puwesto piho na sakla ng isang Ronnie Zapote ay sa Bacoor; at meron ding lotteng si Kap Randy doon; may sakla rin si Amy sa Imus at sa dating puwesto ni Danny Itlog sa Kawit at Noveleta. Si Landong Bulag naman ang nag-take over sa puwesto pihong sakla na binitawan ni Anggie sa Bayan ng Silang at Dasmariñas. Ang mga ‘yan Col. Esquivel Sir ay nasa lowland pa lang ng Cavite at inaalam pa ng mga suki ko ang nasa upland. Ang perya naman ni Emily ay matatagpuan malapit sa fast food chain sa Bacoor-Zapote; ang kay Egay ay sa EPZA, samantalang ang kay Jessica ay sa Tanza at Carmona. O hayan Col. Esquivel Sir, tirahin mo na lahat ‘yan para masabi namang me accomplishment ka laban sa illegal gambling. Pero kuwidaw ang “hingi-huli” ha! Hehehe! Malalaman natin mga suki kung bodabil lang ang senaryo ni Esquivel.

Teka nga pala, ang walang takot na operation ng illegal gambling, kasama na ang peryahan, kaya ay hudyat na nabura na ang “no take” policy ni DILG Sec. Mar Roxas? Kung sabagay, nahalata ng mga suki ko na kahit saang lugar ay bukas na ang lahat ng uri ng sugal subalit ang PNP ay tahasang tumatanggi na on the take sila.

Sa area naman ni SPD director Chief Supt. Jet Villacorte, patuloy ang guerilla operation ng video karera ni James Yang sa Las Piñas City, Makati City, Parañaque City, Pasay City at Taguig City. Panay bago ang mga makina ni Yang na nakatimbre sa PCP commanders at LGUs. Hindi pinapansin ni Yang ang station commanders dahil super lakas ang kanyang backers. Ang mga makina ni Yang ay ginaya ang stickers ng mga nakalatag na makina para hindi mahalata ang operation. Darating din ang oras ni Yang na may makakatapat siya, di ba mga suki? Abangan!

vuukle comment

BACOOR

CAVITE

CHIEF SUPT

DANNY ITLOG

ESQUIVEL

ESQUIVEL SIR

MANG JUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with