^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Proteksiyunan ang bank depositors

Pilipino Star Ngayon

PARAMI nang parami ang depositors na nawa­walan o nananakawan ng pera. At tila walang ginagawa ang mga banko para maprotektahan ang kanilang depositors. Parang balewala lang kung malimas ang pera ng kanilang depositors. Ang perang ninanakaw ay mula sa pawis at dugo ng depositors kaya para silang naguhuan ng mundo kapag natuklasang ang kanilang ipon ay sinimot na ng scammers o hackers.

Noong nakaraang linggo, ilang depositors ng isang banko ang nagreklamo na nawalan sila nang malaking pera. Nalaman nila na nasimot na ang kanilang pera nang mag-check sa automated teller machine (ATM). Ayon sa depositor, hindi naman siya nagwi-withraw kaya alam niya ang balance ng kanyang pera. Kaya nagulat siya nang malamang nalimas na lahat ang kanyang perang pinaghirapang ipunin nang matagal na panahon. Nang ireklamo niya sa bankong pinagdeposituhan nagulat siya nang makita ang mga transaction. Ayon sa kanya hindi naman siya nagwi-withdraw. Hindi malaman ng depositor kung ano ang gagawin sa nanakaw niyang pera. Hilong-talilong siya.

Isang mambabatas din ang nawalan ng pera sa ATM transactions noong nakaraang taon. Ayon sa mambabatas nawala ang kanyang pinaghirapang pera na umabot sa mahigit na P200,000. Ang pera raw ay bahagi ng kanyang SSS pension. Ayon pa sa mambabatas, ilang transactions ang ginawa bago nalimas ang kanyang perang pinagpaguran. Dapat daw magkaroon ng batas para maprotrektahan ang depositors sa scam artists.

Noong nakaraang taon, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nakatanggap sila ng 1,272 kaso ng ATM frauds na ang sangkot na halaga nang nawalang pera ay P220 million. Noong 2012, tinatatayang P175 million ang nawala sa parehong kaso.

Matagal nang nangyayari ang “pagnanakaw” sa ATM pero hanggang ngayon, hindi mahuli ang mga scammer. Naniniwala kaming malaking sindikato ang nasa likod ng pagnanakaw ng mga inpormasyon sa ATM card ng depositor. Kailan wawakasan ang masamang gawaing ito? Kailan matatapos ang pag-aagam-agam ng depositors sa perang pinagpawisan?

Gumawa ng paraan ang mga banko at BSP para maprotektahan ang depositors. Huwag nang hintayin na kusa nilang talikuran  ang pagbabanko.

AYON

BANGKO SENTRAL

DAPAT

DEPOSITORS

GUMAWA

KAILAN

NANG

NOONG

PERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with