Sana ito ang SONA
ANG State of the Nation Address (SONA) ay dapat report ng Presidente sa bayan kung ano na ang kalagayan ng Pilipinas bilang isang bansa kaya nga State of the Nation ang tawag sa kanyang speech.
Ano ba ang ibig sabihin ng “nation”? Ayon sa napag-aralan ko noong nasa high school pa, ang nation o estado o bansa ay may taglay na apat na element: People; territory; sovereignty; at government.
Samakatuwid, dapat ang buod sana ng SONA ni P-Noy ay tungkol sa kalagayan ng bawat isa ng apat na element ng isang nation.
Halimbawa, tungkol sa element ng people, ang total population ngayon ng Pilipinas ay 100 million na. Sa nalalabing dalawang taong panunungkulan ni P-Noy sana may sinabi siya kung ano ang plano niya sa 13 million jobless Filipinos at 18 million underemployed ayun sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Ano ang plano ni P-Noy para sa10 million OFWs at pamilya? Ano ang gagawin niya tungkol sa employment ng contractuals o endos sa mga shopping malls at chain restaurants, at ang mga casuals sa gobyerno na lumalabag sa security of tenure clause ng Constitution?
Dinedma lamang ni PNoy ang 100 million na mga Pinoy sa SONA niya.
Tungkol naman sa element ng territory, ano ang mga plano niya tungkol sa China na tila nagbabadyang lamunin ang buong Spratlys.
Tungkol naman sa element ng sovereignty, sana may sinabi siya tungkol sa EDCA with the U.S. Ito ba ay labag sa ating sovereignty or not?
Tungkol naman sa element ng government, ano na ba ang kalagayan ng Philippine government matapos nagkaroon ng mga expose tungkol sa PDAF at DAP.
So anong klaseng SONA ang ginawa ni P-Noy na hindi tumalakay sa kalagayan ng apat na elemento.
Maganda naman ang mga sinabi niyang papuri lalo na sa apat na lady PNP officers, sa TESDA, sa DOLE, sa DPWH, sa EPSA, but they do not a nation make.
Sana may makapag-remind kay P-Noy kung ano ang tunay na kahulugan ng Nation para sa kanyang pinakahuling SONA sa 2016.
- Latest