Ang Maynila… Noon at Ngayon
(Unang bahagi ng State of the City Address ni Mayor Joseph “Erap” Estrada noong Hulyo 23, 2014.)
“ISANG karangalan para sa akin ang mag-ulat sa inyo ukol sa kalagayan ng ating dakilang lungsod matapos ang unang taon ng aking panunungkulan. Iuulat ko rin po sa inyo ang ating mga gagawin sa taong darating.
Balikan muna natin ang kalagayan ng ating lungsod noong July 2013.
Sa anim na taong kapabayaan at tiwaling pamamahala… mabigat, patong-patong at masalimuot ang mga suliraning bumulaga sa atin.
Dinatnan natin ang isang pamahalaang lubog sa utang. Ayon sa Commission on Audit, ang deficit noong 2012 ay humigit-kumulang sa tatlo at kalahating bilyong piso.
We later found out that the total unpaid obligations of the city as of 30 June 2013 amounted to P4.4 billion.
The city owed Meralco P613,697,511.57. Water bills stood at P57,770,942.88. Unpaid disbursement vouchers totaled P446 million. We also learned that the city has unpaid tax liabilities of P684,418,057.76, mostly in unremitted taxes withheld from employees.
Hindi po ako makatulog dahil ang iniwang pera sa atin ay P235 million lamang samantalang ang iniwang utang ay P4.44 billion.
To add insult to injury, the supposed computerized tax collection system was not working. Financial records and documents were missing.
Malala rin ang dinatnan nating problema sa kapayapaan… naging karnap capital ang Maynila, naglipana ang illegal na droga, nagkalat ang pasugalan, laganap ang prostitusyon, maraming mga pulis ay sangkot sa iba’t ibang krimen, at mababa ang morale ng mga pulis dahil hindi naibibigay ang kanilang allowance at kulang sa suporta.
Dinatnan din natin ang isang “bloated bureaucracy” – mga 11,000 ang mga empleyado ng pamahalaan… lagpas-lagpas sa 45% limit na itinakda ng batas ang pasahod sa kanila. Mababa rin ang kanilang morale at hindi maibigay ang kanilang mga benepisyo kahit gustuhin natin…”
(Itutuloy)
- Latest