P-Noy, bawal kunan ng video sa bumbunan

ALAM n’yo bang may mahigpit na protocol sa coverage ni President Noynoy Aquino?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Thalassa Elizalde, Fiscal Mario del Rosario, Director Ador Canlas ng DPWH, Director Danny Cuenca ng NTC, Engr. Raul Cruz, Samantha Lagman at Luz Fernandez ng DZRH Drama.

Alam n’yo bang may mahigpit na ipinagbabawal sa pag-cover kay P-Noy?

Ayon sa aking bubwit, lahat yata ng mga naging pangulo ng bansa ay may mga ipinagbabawal sa mediamen na nagko-cover sa kanila.  May mga protocol na dapat sundin ang mga reporters, photographers at cameramen kung ayaw mong mawala sa presidential pool.

Kung noong administrasyon ni dating President Cory Aquino ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng retrato sa kanya habang sumusubo o kumakain, ngayon naman ay meron ding bawal para sa kanyang anak na si P-Noy.

Ayon sa aking bubwit, nalaman nila ang ganitong protocol nang maging guest of honor and speaker sana si P-Noy sa diamond anniversary ng DZRH sa Manila Hotel.

Nang puntahan ng mga tauhan ng Presidential Security Group at staff ni Communications Sec. Sonny Coloma ang venue, napansin nila na nasa elevated area ang mga TV camera.

Hindi ito pinahintulutan ng PSG at mga staff ng Malacañang sapagkat bawal daw makunan ng video o retrato ang bumbunan ng ating Presidente.

Show comments