NAKAKALAT ang mga medical waste kagaya ng karayom, intravenous bottles, vials, syringe, at iba pa sa tabing dagat ng Talomo Beach dito sa Davao City.
Abala ang mga otoridad dito ngayon sa pag-imbestiga kung sino ang responsable sa nasabing kalat na sobrang delikado para sa mga residente at maging sa mga pumupunta ng beach resorts sa Talomo.
May ilang kaso na rin ng mga kapwa matatanda at mga bata na natutusok ng mga nagkalat na karayom.
Delikado ang mga nasabing hospital waste na dapat ay nakaimbak sa maayos na paglalagyan at hindi sa kung saan-saan lang tinatapon. Minsan may dalang nakakahawa na sakit na makakakontamina na rin sa mga kung sino mang matutusok nitong mga hospital waste na ito.
Ang mga karayom at iba pang mga infectious medical waste na ito ay puwedeng magdala ng HIV, hepatitis at iba pang sakit.
At dalawa na ngang beach resorts sa Talomo beach area ang napasara na nga dahil sa dami ng hospital waste na nakita sa tabing dagat nila.
Nagsagawa na rin ang barangay ng isang massive cleanup upang malinisan na rin ang Talomo Beach area.
Ngunit maliban pa sa hospital waste may iba pa ring toxic waste materials gaya ng agri medicines na tinatapon din sa Talomo Beach.
Kaya kailangan na ng mas istriktong implementasyon ng Solid Waste Management law na nagbabawal sa pagtapon ng mga hazardous at toxic waste materials na gaya ng karayom.
Sa ilalim ng Republic Act 9275, the disposal of potentially infectious medical waste into sea water carries a maximum fine of P200,000 per day of contamination and is punishable by imprisonment.
At sa sinumang lalabag sa RA 9275 lalo na sa nagreresulta sa serious injury and loss of life due to water contamination ay may corresponding penalties na 12-year imprisonment maximum and a P500,000 fine per day of contamination.
Hindi na nakakatawa ang nangyayari sa Talomo Beach. Dapat na ring kumilos ang Department of Health at ang local government unit kung paano ireresolba ang problema na dala ng hindi maayos na pagtapon ng hospital waste.