^

PSN Opinyon

Kriminal na pagbagsak sa eroplano

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MINAMALAS nang husto ang Malaysian Airlines. Isang Malaysian Airlines flight MH 17 na palipad mula Amsterdam patungong Kuala Lumpur ang hinihinalang pinabagsak noong Huwebes. Nasa 298 ang sakay, kasama ang tatlong Pilipino. Bumagsak ang Boeing 777 sa lugar ng Ukraine na kontrolado ng mga rebeldeng kaalyado ng Russia. Kaya nagtuturuan ang mga rebelde at Ukraine kung sino ang nagpabagsak sa eroplano.

Ayon sa mga testigo, nakarinig sila ng eroplano na sinundan nang malakas na pagsabog. Kitang-kita ng mga testigo ang nasusunog at bumabagsak na eroplano. Nagkalat ang mga piyesa ng eroplano at mga katawan ng mga pasahero. Ang hinala ng mga eksperto ay ginamitan ng isang surface-to-air na missile, pero hindi pa maliwanag kung sino ang nagpabagsak. Pero sa mga nakaraang araw ay pinababagsak ng mga rebelde ang mga militar na eroplano ng Ukraine. Kasalukuyang may labanan sa Crimea, kung saan mga rebeldeng kaalyado ng Russia ang nilalabanan ang gobyerno ng Ukraine. Humihiwalay na kasi sa Ukraine ang Crimea.

Kailangan matukoy kung sino ang gumawa ng krimen na ito. Malinaw na krimen, dahil hindi naman eroplanong pandigma ang Malaysian Airlines flight MH 17 at puro sibilyan ang pasahero. Kung bakit pinabagsak ay hindi maintindihan ng lahat. Hindi naman mukhang militar na eroplano, at mataas ang lipad. Napakatanga na lang ng nag-akala na ito’y militar na eroplano. Problema pa ngayon ng mga imbestigador ay hindi sila pinapayagan ng mga rebeldeng magtungo kung saan bumagsak ang eroplano. Sa kilos pa lang na iyan ay alam mo na kung sino ang may kasalanan.

Hindi ito ang unang beses kung saan pinabagsak ang isang pampasaherong eroplano ng militar. Noong 1983, isang Korean Airlines flight 007 ang pinabagsak ng eroplanong pandigma ng USSR. Ang paliwanag, pumasok daw kasi sa kanilang teritoryo para mag-espiya. Hindi rin pinayagan ang mga imbestigador at tinago pa ang mga black box. Inilabas na lang ang mga nasabing black box ng eroplano nang nabuwag ang Soviet Union. Kaya hindi malayo na ganito na naman ang gagawin ng mga kaalyadong rebelde ng Russia. Dapat iwasan nang lumipad sa lugar na iyan, na tila mga walang utak ang tumatao sa mga sandata nila. Hindi sila naparusahan para sa kanilang pagbagsak ng Korean Airlines flight 007, kaya siguradong hindi sila mananagot rin sa pagpagsak ng Malaysian Airlines MH 17.

vuukle comment

EROPLANO

ISANG MALAYSIAN AIRLINES

KAYA

KOREAN AIRLINES

KUALA LUMPUR

KUNG

MALAYSIAN AIRLINES

SOVIET UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with