^

PSN Opinyon

Pag-unlad at pagganda ng Maynila

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

SA loob lang ng isang taon ng pamumuno ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa Maynila ay sunod-sunod na ang mga ipinatupad niyang hakbangin sa pag-unlad at pagganda ng lungsod.

Pinangunahan niya ang pagsasagawa ng mga job fair, medical missions, livelihood programs, mga pangkulturang exhibit, film showing at konsiyerto at pagkilala at parangal sa mga natatanging indibiduwal mula sa iba’t ibang propesyon at sektor laluna sa senior citizens at mga pampublikong empleyado.

Nagpa-install din siya ng 185 closed-circuit television (CCTV) camera sa mga istratehikong lugar sa lungsod para mapigilan ang kriminalidad at mas epektibong      mapangasiwaan ang trapiko.

Ginawa niyang episyente ang koleksiyon ng buwis kaya nakalikom ng sapat na pondo para pangtustos sa mga gastusin ng lokal na pamahalaan at sa mga serbisyo-publiko; isinulong ang pagtatayo ng mga waiting shed na may libre pang internet Wi-Fi connection; itinaguyod ang serbisyong pangkalusugan na prayoridad na bene-pisyaryo ang mga maralita tulad ng pagtatatag ng Manila Dialysis Center, pagpapaayos ng Ospital ng Tondo at iba pa; ipinursige ang paggamit ng mga matipid at environment-friendly na electricity-powered tricycle sa pakikipagtulungan ng Asian Development Bank (ADB); isinaayos ang ruta at biyahe ng mga delivery truck; at siyempre ay pinamunuan din niya ang masaya at makabuluhang foundation day ceremonies ng lungsod at ang Miss Manila pageant.

Matatandaang sinabi ni Erap noon sa kanyang kampanya na ‘Ibabalik natin ang ganda, kinang at kaunlaran ng Maynila. Dear Manileños, I will not fail you. I was born in Manila, and I will die working to bring back the glory and pride to Manila.”

Ayon sa mga residente ng lungsod, sa maikling panahon pa lang ay nakikita at nararamdaman na nila ang pagtupad ni Mayor Erap sa mga ipinangako nito. Dahil dito umano ay lalo pa nilang pag-iibayuhin ang suporta at pakikipagtulungan kay Mayor Erap laluna’t positibo umano ang kanilang pananaw na matutupad na ngayon ang matagal na nilang pangarap na tunay na pag-unlad at pagganda ng Maynila.

ASIAN DEVELOPMENT BANK

AYON

DEAR MANILE

ERAP

MANILA DIALYSIS CENTER

MAYNILA

MAYOR ERAP

MISS MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with