^

PSN Opinyon

Supreme Court na ang nagsabi

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

UMAALINGASAW ang amoy ng impeachment complaints laban kay President Benigno C. Aquino, III. Sinampal ng Supreme Court sila ni Budget Secretary Florencio Abad sa kanilang iligal at di makatwirang paggamit ng pondo ng bayan sa pamamagitan ng Development Acceleration Program (DAP). Ito’y naging mitsa sa pagturo ng daliri ng pananagutan sa kanyang direksyon.

Nagugunita pa natin ang hamon ni P-Noy noong Oktubreng nakalipas na subukan lang ng mga kritiko na siya’y ipa-impeach. Aniya’y kumpiyansa siya na walang iligal sa kanyang pagmamaniobra ng budget. Ngayong pinamukha sa kanya ng mga magiting na mahistrado – sa isang 13-0 unanimous decision – na maling mali ang kanyang katwiran, natural ay may kailangang managot. Hindi lang baryang P10 billion gaya ng halagang sangkot sa PDAF ang pinag-uusapan dito. Tinatayang aabot sa P1 trillion  ang perang pinaglaruan nina P-Noy at Abad na ginawang sarili nilang “petty cash”.  Ngayon tingnan natin kung kumpiyansa pa rin siyang pa-impeach.

Mula kay President Joseph Ejercito Estrada noong Ja-nuary 2001, naging uso na ang pagsampa ng impeachment laban sa matataas na opisyal. Sa sobrang kasanayan ni Juan de la Cruz ay halos memoryado na ang probisyon ng impeachment sa Saligang Batas. Kahit saang kanto ay may eksperto. Pero kakaiba itong sitwasyon ni P-Noy at ng DAP. Kung karaniwan ay kailangan pang patunayan ng nagrereklamo  hindi lamang sa Kongreso kung hindi rin sa Mataas na Hukuman ang paratang sa akusado, sa kaso ni PNoy ay wala nang kailangang patunayan dahil mismong ang Supreme Court ang nag-supply ng basehan sa pamamagitan ng kanilang hatol.

Papaanong sasabihin ng Presidente na kung nagkamali man sila ay hindi ito sadya, gayong noong senador pa siya ay naghain ng panukala upang ipatigil ang gawain noon ni Gng. GMA na eksakto sa kanyang DAP? At paano maniniwalang walang malay si Abad na iligal ito gayung noong congressman siya, matagal siyang Chairman ng House Appropriations Committee, ang lupon na may hawak ng Budget ng bansa?

 

ABAD

BUDGET SECRETARY FLORENCIO ABAD

DEVELOPMENT ACCELERATION PROGRAM

HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE

P-NOY

PRESIDENT BENIGNO C

PRESIDENT JOSEPH EJERCITO ESTRADA

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with