^

PSN Opinyon

Lahat tayo ay nagkakamali

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISANG pari ang na-videohan habang sinesermunan ang inang nagpapabinyag ng kanyang anak sa Cebu. Ang lola ng sanggol ang nag-video at  inilagay sa internet. Matinding batikos ang inabot ng pari dahil ipinahiya niya sa maraming tao ang ina. Nagkaanak ang ina ng sanggol sa lalaking may asawa. Hindi siguro nakapagpigil ang pari at umiral ang pagkabanal habang idiniin ang mga kasalanan at “kahihiyan” umano ng ina. Nagsabi pa na baka manahin ng bata ang mga kasalanan ng ina. Naku naman. Kaya ang masayang okasyon ay nauwi sa sama ng loob at kahihiyan.

Ayon sa mga batikos, wala naman masama kung pinaalalahanan ng pari ang mga mabuting asal at turo ng simbahan, pati na rin mga utos ng Diyos. Pero may tamang paraan at lugar para gawin ito. Kaya nga ang pagkumpisal ay pribadong ginagawa hindi ba? Kundi, sana may speaker ang lahat ng kumpisalan para marinig na rin ng lahat ang mga kasalanan mo. Ayon sa lola na kumuha ng video, dumaan din sa paghihirap ang kanyang anak nang mabuntis, at nagtangkang magpakamatay pa. Pero piniling isilang ang anak at alagaan, at bilang Kristiyano ay sumunod pa sa sakramento ng binyag. Hindi nga naman dapat pinagalitan at pinahiya sa okasyon na iyon.

Humingi na ng tawad ang pari. Pinagbawalan muna siya ng simbahan na mamuno sa misa at iba pang sakramento, habang may nagaganap na imbestigasyon. Nagpahayag din ang simbahan na huwag mawalan ng tiwala sa mga pari sapagkat isang insidente lang ito.

 Lahat tayo ay nagkakamali sa buhay. Natatalisod, na­dadapa at naliligaw ng landas. At maski pari ay nagkakamali rin. Kapatawaran ang isa sa mga pangunahing turo ni Hesus. Mas binatikos nga niya ang mga “banal na tao” noong panahon niya. Ganito rin dapat tayo. Ang pinakabagong mensahe nga ni Manila Archbishop Cardinal Tagle ay magpakita ng awa, sa kabila ng mga nangyayaring katiwalian sa bansa. Mahirap gawin, pero gawin pa rin.

AYON

CEBU

DIYOS

GANITO

HESUS

KAYA

MANILA ARCHBISHOP CARDINAL TAGLE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with