Vice President Jojo Binay may gimik sa mga bisita

ALAM n’yo bang may kakaibang gimik si Vice President Jojo Binay sa kanyang mga bisita?

Ayon sa ating bubwit, happy birthday muna sa aming kinatawan sa Ilocos Norte, Rep. Imelda Romualdez-Marcos, dating Press Usec. Ching Suva, Julienne Ejercito, Bro. Marcial Sese, Bro. Boy Alvarez, Alejandro Brigino Jr. at Mercy Macalma.

Alam n’yo bang marami ang natutuwa sa kakaibang gimik ngayon ni Vice President Binay?

Ayon sa aking bubwit, halos lahat ng mga bisita ni Binay sa kanyang opisina sa Coconut Palace sa CCP Complex sa Pasay City ay may kakaibang remembrance.

 Ito ay mga larawan na kasama ang Vice President. Si Binay ay meron palang official photographer sa kanyang opisina. Ang ginagawa ni Binay sa kanyang mga bisita lalo na kung ang mga ito ay local leaders tulad ng mayors mula sa probinsiya, sila ay nagko-kodakan.

 Matapos makunan ng litrato ng kanyang official photographer, ito ay dinedebelop kaagad. Kapag nadebelop na nilalagyan ni Binay ng dedication at pinipirmahan.

 Malaki ang nasabing mga litrato kaya tuwang-tuwa ang mga bisita ni Binay. Ito ang kakaibang gimik ni Binay para hindi siya malimutan ng mga tao.

Show comments