Justice, minura ang bodyguards at driver

ALAM n’yo bang mainitin pala ang ulo ng isang mi-yembro ng Judiciary?

 Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mr. Danny Isla, President ng Lexus Philippines, Ruben Pascua, Rossana Villegas ng DZRH Drama, Cely Ortega-Bueno ng DWIZ, Atty. Abe Vermudez, Bro. Anoy Cunanan at Juanita Laguesma.

Alam n’yo bang pinagmumura ng isang Justice ng Supreme Court ang kanyang driver at bodyguards nang siya ay mag-jogging sa Baguio City?

Ayon sa aking bubwit, habang nasa Baguio ang justices para sa kanilang session, for the first time ay naisipan ni Justice na mag-jogging.

At habang siya ay nagja-jogging, inatasan ang kanyang mga bodyguard at driver na sumakay sa van at buntutan siya.

Dahil may mga kalsada na paakyat at pababa sa Baguio, mabagal tumakbo si Justice. At dahil mabagal siyang tumakbo, mabagal din ang pag-usad ng nakabuntot na van.

Ayon sa aking bubwit, dahil hirap tumakbo at makendeng tumakbo si Justice, pinagtatawanan siya ng kanyang bodyguards. Biglang tumigil si Justice at pinagmumura ang kanyang security.

Ang Justice ng Supreme Court na may nakabuntot pang van nang mag-jogging sa Baguio ay walang iba kundi si Justice M. as in Mahinhin.

Show comments