Kapalmuks
Kapalmuks, kapalmuks -- makapal ang mukha
Mga Pilipinong makapal ang mukha;
Dusa nang mahirap hindi alintana
Dahil sa mapera nagwawalanghiya!
Kapalmuks ang ating mga kabataan
Hindi pinapansin hirap ng magulang;
Kapag hinanap mo ay naglalaklakan
Ng bawal na droga at alak na mahal!
Kapalmuks ang ating mga kontratista
Pera ng gobyerno sinasayang nila;
Kinontratang tulay at saka kalsada
Ay hindi nayari ang pera’y wala na!
Kapalmuks ang ating mga transport owners
Nalalakad nilang ang tren ay mapigil;
Mga tren sa bansa ay ayaw pabiyahehin
Mga bus at jeepney lang ang doo’y matulin!
Kapalmuks ang ating mga pulitiko
Ang buong pamilya ay nasa Kongreso;
Kahit alam nating masasamang tao
Sa magic ng pera ay laging panalo!
Kapalmuksa ng ating young at old voters
Sa konting padulas ang boto ay for sale;
Kahit alam nilang kandidato’y sakim
Bumili ng boto ay panalo pa rin!
Kapalmuks ang ating mga magnanakaw
Pamilyang tahimik inaakyat-bahay;
Ang mga babae, anak at magulang
Ginagahasa pa saka pinapatay!
Dahil sa maraming kapalmuks sa bansa
Pag-asenso natin imposible na nga;
At sa ating bayan ng bata’t matanda
Kapag minasdan mo’y makapal ang mukha!
- Latest