‘Ang Kaibigan kong Kaaway…’
SALAMIN na ibang tao ang lalabas kapag iyong tinapatan.
“Nagagalit siya sa akin kasi nung magpa-‘rebond’ siya ng buhok nag-straight din ako. Gaya-gaya raw ako,†ani Letlet.
Sa mga simpleng bagay tulad ng pag-unat ng buhok lang daw nagsimula ang gulo sa pagitan ng dating mag-‘best friends’ na si Jemelit “Letlet†Diacamos at Breezy Pagayon parehong nasa edad 24 anyos.
Tubong Bacolod City si Letlet. Taong 2006 lumuwas siya sa Maynila. Nagtrabaho siya bilang ‘saleslady’ sa Carriedo, Quiapo.
Parehong taon, nagpunta rin sa Maynila ang kababaryo niyang si Rivart “Vart†Toralba, maintenance sa SM, Cavite.
Nagkita sila ni Vart, naging mag-‘textmates’ sila at nagkaroon ng relasyon.
Taong 2007, nag-‘live in’ na sila at tumuloy sa Cavite. Nabuntis si Letlet taong 2008. Nagpalipat-lipat sila ng tirahan hanggang mapadpad sila sa Balara, Quezon City. Malapit sa bahay ng tiyahin ni Vart na si “Bebengâ€.
Halagang 2,500 ang upa nila sa isang kwarto.
“Medyo magulo talaga sa lugar namin. Mga illegal settler kasi ang mga nakatira run,†ayon kay Letlet.
Agosto 21, 2012, unang lumipat sina Letlet sa Balara. Marami siyang naging kaibigan dito. Isa sa naging malapit sa kanya si Breezy. May kinakasama rin at may isang anak.
Kadikit lang ng bahay nila Letlet ang bahay ni Breezy. Madalas silang magkasama at magkausap.
“Wala naman kaming away kaya nagtataka ko kung bakit kami humantong sa ganito,†pahayag ni Letlet.
Ika-23 ng Marso 2014, 10:00AM habang nasa gate si Letlet kasama ang anak at kapitbahay na si TongTong, 28 anyos, nagbibiruan sila ng saktong dumaan daw itong si Breezy.
“Paglakad niya sinaway ko ang anak ko na ‘wag gaya-gaya kay Tongtong na nagduduling-dulingan. Sabi ko baka matuluyan siya,†ani Letlet.
Akala raw ni Breezy binubuska siya ng kaibigan. Bigla na lang daw itong nagsisigaw ng, “Kapag ako nagalit. Malalaman mo talaga ang tunay na ugali ko,†sabi daw nito.
Pag-alis nito, sinugod na lang raw siya ng ina ni Breezy at dinuro-duro.
“Anong ginawa mo sa anak ko?!†tanong daw nito.
Sumagot si Letlet at dinepensahan ang sarili. Pinaalis daw ng mga tao ang ina ni Breezy dahil mismo mga saksi ang nagsabi anak umano niya ang nagsimula.
Ika-25 ng Marso 2014, gabi… bumili sa tindahan itong si Letlet kasama ang isa pang kaibigan. Naabutan nila dun si Breezy.
Habang bumibili ng sitsirya, bigla na lang umano siyang sinagi ni Breezy. Sa sobrang lakas nawalan daw siya ng balanse maging ang kaibigan. Napasandal sa pader.
“Nasaan asawa mo?†tanong ni Letlet.
Bigla raw umalis si Breezy. Pagbalik nito hila-hila na niya ang kanyang kinakasama at hinamon na umano siya, “Oh yan sabihin mo sa asawa ko ang tungkol sa lalaki ko!†sabi umano ni Breezy.
Nagkasagutan na sila,“Bakit ka namamangga. Nasa tabi na nga ako?†tanong ni Letlet.
Kwento ni Letlet, bigla na lang siyang sinuntok ni Breezy. Putok ang kanyang labi. Hindi ito nakunteto at tinadyakan umano siya ng dalawang beses. Natumba siya sa semento at mabuti na lang naitukod niya ang kanyang mga kamay.
Sa halip na umawat ang kinakasama ni Breezy, tuwang-tuwa daw ito sa panonood sa kanila. Nainis si Letlet sa inasta ng dalawa kaya’t pagbangon niya binisto umano niya na may lalaki daw si Breezy.
“Oo totoo naman yun na may lalaki ka!†sabi ni Letlet.
Ayon kay Letlet, ka-‘text’ ni Breezy ang kababayan nito sa Bicol na si “Billyâ€. Cellphone pa nga raw niya at ng kapatid ang gamit niya.
“Gusto ng lalaking magkita sila. Sinasama niya pa nga kapatid ko pero ‘di ko pinapayagan,†ayon kay Letlet.
Kinabukasan, nagpunta sa barangay si Letlet para magreklamo laban kay Breezy para sa kasong Physical Injuries. Habang nagÂreklamo naman ng Paninirang Puri si Breezy laban kay Letlet.
PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, base sa binigay ni Letlet na kopya ng complaint form ni Breezy sa Brgy. Matandang Balara (Old Balara) nung ika-26 ng Marso kasalukuyang taon, sinabi ni Breezy na:
Si Jemelit po ay siniraan ako sa aking asawa na ako raw ay may kabit at sa maraming tao pinahiya niya po ako at pinalalandakan na may kabit ako. Yun po ang dahilan para maghiwalay kami ng asawa ko dahil po sa paninira niya. Wala po talaga akong mukhang maiharap sa mga tao--- laman ng reklamo.
Pinatawag sila Letlet at Breezy sa Brgy. subalit ‘di raw sila nagkaayos. Dagdag pa ni Letlet nakatanggap umano siya ng masasakit na salita at pagbabanta sa dating kaibigan.
“Pokpok daw ang mama ko. Malandi at iba-iba ang lalaki. Magbilang lang daw ako ng dalawang linggo wala na akong dila,†wika ni Letlet.
Nabigyan na ng Certificate to File Action (CFA) sina Breezy habang ika-23 ng Mayo ibibigay ang kina Letlet. Sinubukan pang makipag-ayos ni Letlet subalit ayaw daw ni Breezy.
Ito ang dahilan ng pagpunta niya sa amin. Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882KHZ(Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, Dati silang matalik na magkaibigan. Madalas nga nating marinig na kapag magkaibigan, walang iwanan. Hindi malaking bagay ang sinimulan ng isyu na ito. Nag-umpisa sa hibla ng buhok at ngayon binalot na ang kanilang buong katawan at pati na rin ang kanilang mga kalooban.
Mabuting kaibigan, masamang kaaway ganito sila ngayon. Hindi ba pwedeng sa haba ng itinakbo ng kanilang pagsasama mahanap nila sa pinakailalim ng kanilang puso at lumutang sa kanilang isip na ang lahat ng ito ay maaaring madaan sa pagpapatawaran. Hindi pa huli ang lahat para kalimutan ang kanilang hidwaan at tawanan na lamang nito. Kung ‘di na mababalik ang dati sabihin na lang sa isa’t isa…na sana bukas pa ang kahapon.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038. Bukas kami mula Lunes-Biyernes.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest