^

PSN Opinyon

Hustisya kay Nora

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

BAKIT naman hindi tinanghal na National Artist si Ms. Nora Aunor? Dahil ba karamihan sa kanyang fans ay nanggaling sa bakya crowd at malamang may mga nila-lang na natatakot mapag-isipan sila ay “bakya” kapag itinalaga nila si Ms. Aunor na National Artist?

Estudyante pa lang ako noong dekada 60’s nang sumi-kat nang husto si Ms. Aunor. At isa sa mga hindi ko malilimutang awit niya hanggang ngayon ay ang “Pearly Shells”.

Dahil nag-aaral ako noon sa UST at San Beda College, hindi ko inaamin kahit kanino na Noranian ako para di-makantiyawan na bakya. Pero ngayong maliwanag na inapi ang idol ko, ako ay nagdedeklara sa publiko na ako ay isang Noranian at taimtim na hinihimok ang mga kinauukulan na i-rectify ang kanilang pagkakamali. Mag-sorry at ihabol ang proclamation ni Ms. Aunor bilang National Artist.

Sino ba itong natanghal na mga National Artist kuno na sina Cirilo Bautista, Ramon Santos, Jose Maria Zaragosa at Francisco Coching? Mga never heard sila. Paano sila itinanghal na National Artists e hindi naman alam ng buong bansa kung sino sila o kung ano ang mga di-pangkaraniwang bagay na nagawa o naidulot nila sa sambayanang Pilipino. Hindi katulad ni Ms. Aunor na may excellent track record sa kanyang field of the arts at hinahangaan ng sambayanang Pilipino di-lamang ng bakya crowd kundi ng mga ginagalang na mga tao sa larangan ng arts tulad nina Joel Lamangan, Boy Abunda, mga opisyal ng National Commission for Culture and Arts at ng Cultural Center of the Philippines at marami pang iba.

Your Excellency, Mr. President, bago ka mapag-isipang walang excellence sa appreciation ng culture at arts, ituwid mo ang baluktot at bigyan ng hustisya ang aking idol.

BOY ABUNDA

CIRILO BAUTISTA

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

CULTURE AND ARTS

DAHIL

FRANCISCO COCHING

JOEL LAMANGAN

MS. AUNOR

NATIONAL ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with