^

PSN Opinyon

‘Sardinas sa disyerto’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 

MULA sa kalawakan ng mga gusali at bughaw na langit… nauwi silang siksikan sa isang parihabang latang bahay sa disyerto.

“Sa isang container van sa gitna ng disyerto sila naiwan. Tinapay na ‘sing nipis nang pambalot ng lumpia lang ang panlaman nila sa kumakalam na tiyan…” kwento ni Agnes.

Ganito ang sitwasyon ng tatlong Pinoy sa disyerto ng Dammam, Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Mula buwan ng Pebrero taong kasalukuyang pinoproblema na ni Agnes Urbano, 43 taong gulang ng Las Piñas City ang kundisyon ng mister na si Leonardo Urbano o “Nards”, 50 taong gulang--- ‘pipe fitter’ sa Middle East.

Parehong tubong Bicol sina Agnes at Nards. Taong 1970 ng lumuwas ng Maynila si Nards. Sa Maynila na sila nagkakilala ni Agnes hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Kinasal sila at tatlo ang kanilang naging mga anak.

Nakapagtapos ng ‘vocational course’ na Automotive Techno­logy si Nards kaya’t sa loob ng 16 na taon naging mekaniko siya ng motor sa Latex.      

“Humina lang ang kita ng mister ko kaya umalis siya sa trabaho,” sabi ni Agnes.

Mula sa lingguhang sahod, unti-unting lumiit ang sweldo ni Nards kaya’t nagdesisyon na siyang pumunta ng Oman sa tulong ng ahensyang MRH Agency.

Dalawang taon ang naging kontrata niya rito. Halagang Php13,000 ang bayad sa kanya kada buwan.

Habang naglalakad ng mga papeles para muling lumabas ng bansa, nagpadyak muna si Nards sa Burgos, Las Pinas.

Nobyembre 2008, sa Dammam, Kingdom of Saudi Arabia naman siya nagpunta. Hawak naman siya ng ahensyang Jaminah Manpower Services. ‘Structural pipe fitter’ (taga gawa ng tubo) siya sa Suedrohrbau Saudi Arabia Limited (SRB).

Dalawang taon lang dapat ang  kontrata ni Nards subalit nagdagdagan siya ng isa pang taon. Ang kita  niya Php19,250 kada buwan.

Setyembre 2011, ng umuwi siya sa Piñas.

“Isang buwan lang ang tinagal niya rito. Oktubre 2011 balik SRB siya. Ang nangyari ‘direct hiring’ na mister ko’, sabi ni Agnes.

Maayos ang naging trabaho ni Nards dito. Nagpabalik-balik siya sa Dammam. Nung Nobyembre 2013 binigyan siyang muli ng dalawang taong kontrata.

Nag-iba ang ihip ng hangin, pagdating ng Pebrero…2014 nahuhuli na ang sahod nila. Nung una nagtiyatiyaga at nagtitiis sila ngunit dumating na ang panahon na hindi na sila tinatawagan para magtrabaho. Naiwan na lamang sila sa kanilang ‘barracks’ na isang ‘container van’.

“Nabalaho na lang sila sa loob, sa gitna ng desyerto… naghihintay sa wala kasama ang dalawa pang Pinoy at ibang lahi nang natuklasan nilang nagsarado na pala ang kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan,” sabi ni Agnes.

Kwento raw ni Nards kay Agnes nalaman ng kumpanya na may mga nawawalang pera sa opisina na dahilan daw ng pagkalugi at pagsasara nito.         

Nawalan ng mga trabaho ang mga taga SRB kabilang si Nards at dalawa pang Pinoy na sina “Kenneth” at “Rudy”. Maliban dito wala na ring Iqama (working permit) itong si Nards at Kenneth.

Para silang asong inilagay sa hawla. Hindi makalabas dahil huhulihin. Hindi makakilos mula sa kanilang kinaroroonan.

“Inaabutan lang sila ng ibang Pinoy na nagtatrabaho sa kabilang kumpanya. Puruta lang ang pagkain nila. Yung manipis na tinapay na parang pambalot ng lumpia,” pagsasalarawan ng misis.

Nitong huli tumawag itong si Nards… “Hindi ko na makaya dito sobrang gutom ko na rito…tulungan mo ko makabalik,” kahilingan ng mister.

Nais ni Agnes mapauwi na ang mister sa Piñas. Problemado sina Nards kung paano nila lalakarin ang kanilang mga ‘exit visa’.

Ito ang dahilan ng pagpunta ni Agnes sa aming tanggapan. Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ AM BAND (Lunes-Biyernes) mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

Para sa agarang aksyon, kinapanayam namin sa radyo si Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA). Pinarating namin kay Usec. Seguis ang problema ni Nards.

Tinanong ni Usec. kung gaano na katagal mula ng mapaso ang Iqama ng Pinoy sa Saudi? Nalaman namin mula kay Agnes na mula ika-27 ng Disyembre 2013 pa walang Iqama si Nards.             

Sinabi ni Usec. na dapat bago pa mapaso ang working permit ni Nards pinaalam na niya ito sa kanyang employer at hindi siya pumayag magtrabaho ng hindi naayos ito.

Gayun pa man, hiniling ni Usec. na ipadala namin sa kanya lahat ng impormayson ni Nards sa pamamagitan ng ‘email’ para maipara­ting sa ating embahada sa Riyadh, KSA.

Ilang araw makalipas, nakitawag itong si Nards upang kami pakiusapan. Sinabi niya sa aming hindi nila magawang lumabas ng container van para humingi ng tulong. Wala na rin daw silang makain dun.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ilan lang si Nards sa ‘di mabilang at parami ng parami nating kababayan na nakikipagsapalarang magtrabaho ng walang‘working permit’ (Iqama) sa ibang bansa para kumita lang.

Kung tutuusin ang una niyang sweldo na mahigit lamang sa labing tatlong libong piso ay maaari niyang kitain kung madiskarte lang siya at matiyaga sa pagtatrabaho sa mga ‘construction companies’.

Napakalaking problema ang kanilang kakaharapin kapag nahuli sila ng mga mutawa (pulis). Diretso kulungan sila at mahaharap sila sa kaso depende sa haba ng pagtatrabaho nila ng walang dokumento, magbabayad sila ng ‘penalty’ para sa ‘over staying’.

Sa ngayon na naiparating na ang problema ni Nards sa POLO-Alkhobar at kay Ambassador Ezzedin Tago para sa mga legal na hakbang maaring gawin para maayos ang kanilang papeles at sila’y makauwi.                             

Sa oras na magkaroon ng linaw ang kalagayan nila Nards ibabalita namin sa inyo. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038.

AGNES

NARDS

PARA

PINOY

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with