^

PSN Opinyon

‘Sa ending ang simula’ (Huling bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

“AKALA ko mister ko kaya hinayaan ko muna siya. Gumagala ang kanyang kamay sa aking katawan. Lumingon ako, nagulat ako na si Lalan pala!  Sinubukan kong hintuin siya subalit napakalakas niya…” sabi ni Mara.

Nung MIYERKULES naisulat namin ang umano’y pangmomolestiyang inabot ng 21 anyos na tinago namin sa pangalang ‘Mara’ sa kapatid ng may-ari ng bahay na sinanla sa kanila, si Rolando Lopez Jr. o “Lalan”, 30 anyos.

Bigla raw nagtalakbong ng kanilang kumot itong si Lalan ng magising ang anak ni Mara at humiga pa sa kanilang kama. Bago umano sinabi nito. “Kung tutuusin kaya kitang pwersahin na may mangyari sa atin!” banta umano ni Lalan bago ito bumaba at lumabas ng bahay nila ‘Mara’.

Nagsumbong daw si Mara sa biyenang babae. Natatakot sila Mara at baka ‘pag sinabi niya ito sa asawang si ‘JB’ magkaroon ng gulo at makuyog daw silang pamilya kaya ang ginawa na lang niya tinext niya si Lalan.

“Sinabi kong tigilan niya ko. May pamilya ako at ganun din siya. Mahal ko ang asawa ko…” sabi ni Mara.

Panay daw tawag at text nun ni Lalan subalit ‘di na niya sinagot.

“Magsama na tayo.  Iiwan ko ang asawa’t anak ko. Dun Tayo titira sa Bicol may bahay kami dun,” sabi umano ni Lalan sa kanya.

Halos dalawang buwan ang lumipas, Enero 27, 2014…hapon pumanik naman umano itong si Lalan. Nagto ‘tong-its’ sila nun sa bahay nila Charlene, may kaunting pusta ng bumalik siya sa bahay para kumuha ng pera. Hindi na niya pinadlock ang gate. Nagulat siya pagharap niya nandun na umano si Lalan malapit sa lababo. “Bakit umakyat ka na naman?!” takot daw na tanong ni Mara.

Sinabi raw ni Lalan na gusto lang niyang makipag-usap dahil wala siyang natatanggap na ‘reply’ sa mga text at sagot sa mga tawag nito. Pilit daw siyang pinalalabas ni Mara. Akmang hahawakan umano siya nito sa balikat at hihilahin ng mabilis na umiwas si Mara. “Sige lumapit ka tatawagin ko si Charlene!” sabi ni Mara habang hawak ang kanyang cellphone.

Tumawag si Mara kay Charlene subalit ‘di nito sinasagot. Nag-text na lang siya, “Ate, punta ka rito. Si Lalan umakyat na naman…”

Mabilis daw na sumaklolo ang kaibigan. “Bakit nandito ka ulit? Ayaw mo tumigil kakaakyat!” sabi raw ni Charlene ng abutan si Lalan. Tinakot umano nito si Lalan at sinabing nahuli na ni JB na may nagbubukas ng padlock ng kanilang gate at alam niyang si Lalan iyon.

Dito lang daw lumabas si Lalan.  Inakala ni Mara na titigil na si Lalan at matatauhan subalit mas grumabe umano ang ginawa sa kanya nung ika-17 ng Pebrero 2014. Alas sais ng umaga kaalis lang ng mister. Narinig ulit ni Mara na may nagkalag ng padlock  sa gate at may paakyat sa kwarto.

Kinutuban siyang baka sa Lalan ito kaya’t bumangon siya agad. Nakaupo pa lang siya at patayo agad tumabi sa kanya si Lalan.

“Ang bilis niya kumilos! Pinaghahalikan niya ko. Naangat niya agad ang damit ko. Hinalikan niya ang dibdib ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko. Binaba niya ang panty ko at binaba niya rin ang puruntong at brief niya. Agad siyang pumwesto sa harapan ko sa pagitan ng hita ko, lumapat bibig niya sa ari ko. Nagpupumiglas ako dumagan na siya at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay. Mabilis niyang nilabas masok ang ari niya sa akin. Agad siyang nakaraos nakatulala na lang ako,” ayon kay Mara.

Bago bumaba ng bahay nagbanta pa umano ito. “ ‘Pag ako raw nagsumbong sa asawa ko! May sasabihin daw siya sa asawa ko na wala na siyang pagmamalaki sa’kin dahil nakita na niya katawan ko,” wika ni Mara.

Agad na tinext ni Mara ang asawang si JB. “May sasabihin ako Beh, inakyat ako rito.” Habang hinihintay ang pag-uwi ni JB. Nagpasama siya kay Charlene papunta kay Leslie. Si Charlene na mismo ang nagsabi ng mga pinaggagawa ng kapatid subalit ‘di raw niya dinetalye ito. Wala naman daw reaskyon si Leslie. Pag-uwi ni JB pinagtapat ni Mara ang nangyari. “Hindi ko po nasabi lahat… yung panghihipo lang dahil baka magwala ang asawa ko,” ani Mara.

Pinili muna nilang umalis sa lugar na iyon bago magreklamo.

Ika-19 ng Pebrero 2014, sinabi nila kay Leslie na aalis na sa kwarto. Pumunta ito sa kanilang bahay at sinabi raw na kalimutan ang nangyari at kung gusto nila mag-renew ng sanla-tira. ‘Di na sila nagpapigil. Feb. 22, 2014, binalik sa kanila ang P20,000 na presyo ng sanla. Agad silang umalis.

Kinahapunan nagpa-‘blotter’ sila sa barangay.  Pinagharap sila  nung ika-26 ng Pebrero. Hindi nakapagpigil itong si Mara at sinampal ng malakas si Lalan. Itinaas daw nito ang kanyang dalawang braso sa mukha at sinalag ang sampal.

“Bigla siyang tumayo e. Akala ng asawa ko lalaban siya sa’kin kaya nasuntok siya!” sabi ni Mara.

Dahil dito nagreklamo rin ng kasong Physical Injuries laban kay JB si Lalan at Paninirang Puri naman para kay Mara.

“Mas mabigat daw ang kasong sinampa sa amin ni Lalan kesa sa reklamo ko. Wala raw akong ebidensya, sila raw mismong sa harap ni Kapitan namin ginawa, Magpaareglo na lang daw kami,” ayon kay Mara. Ito ang dahilan ng pagpunta ni Mara sa amin. Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ. Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, bagamat natagalan bago siya nagsumbong, may maganda naman siyang dahilan ito ay dahil napapalibutan siya ng mga angkan ni Lalan. Pakiramdam niya na mas lalo silang mapapahamak.

Hindi madali ang pagsasampa ng kasong ‘rape’ lalo na’t may asawa na itong si Mara, hindi lang naman siya at ang kanyang pagkababae ang makakaladkad sa korte kundi maging ang kanyang pamilya. Sinabi namin kay Mara na ang kasong ‘rape’ ay ‘di na sakop ng barangay dapat ito’y isampa ng diretso sa Prosecutor’s Office. Habang ang kaso naman laban sa kanila ay maaaring ilagay sa klasipikasyon ng ‘justified anger’ o yung dala ng bugso ng iyong damdamin kapag nakita mo ang taong lumapastangan sa’yo, nagdilim ang iyong paningin kaya’t nasaktan mo.

PARA lubusang matulungan si Mara, ni-refer namin siya sa Department of Justice Action Center, kay Director Perla Duque. Iginawa siya ng reklamo for Multiple Acts of Lasciviousness at Rape laban kay Lalan. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)  SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

CHARLENE

DAW

KAY

LALAN

LANG

LESLIE

MARA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with