^

PSN Opinyon

Very bad ang ating lipunan

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

NAGDAOS tayo ng ika-116 anibersaryo ng Kalayaan noong Hunyo 12 ngunit tayo ay hindi pa rin malaya kung ang apat na katangian ng isang good society ayon kay John Kenneth Galbraith ang gagawing mga batayan. Every citizen must have: 1) Freedom; 2) The opportunity to have a better life; 3) Security; and 4) Not being discriminated against.

Ani Galbraith, ang ibig sabihin ng freedom ay hindi lamang freedom of speech at iba pang mga karapatan na nasa bill of rights. Ang mas makabuluhang kahulugan daw ng freedom ay ‘yung may pera lagi tayo sa bulsa para matustusan ang lahat nang ating pangunahing pangangailangan.

Ang ibig sabihin naman daw ng security ay ‘yung hindi basta-basta nabibiktima ng mga krimen. 

Bagsak ang Pilipinas sa bawa’t isa sa mga batayan ni Galbraith. Kaya very bad ang ating society sa halip na good. Labintatlong milyon sa ating mga kakabayan ay jobless. Ayon kay Galbraith, ang mga jobless ay hindi maituring na may freedom dahil wala silang kinikita.

Hinggil naman sa “opportunity for a better life”, luma­labas na ang mga hari lang ng contractualization ang mayroon nito kaya karamihan sa kanila ay mga kahanay na ngayon nina Bill Gates sa listahan ng The World’s Richest samantalang ang mga “Endo” na mga biktima nila ay hindi umaasenso o walang opportunity for a better life.

Hinggil naman sa discrimination, milyong applikante sa trabaho ay hindi tinatanggap kapag sila ay umabot na ng 35 anyos dahil karamihan sa employers  ay  mas bata ang gusto, Kaya maraming manggagawa ang walang SSS retirement benefits dahil tumatanda na jobless.

Ayaw ipatupad ng mga corrupt na pulitiko ang security of tenure clause ng Constitution dahil sila ay mga tuta ng mga ganid na employers. Alisin ang Tanikala ng Kontraktwalisasyon, Korapsyon at Kahirapan (ATaKKK). To join please text and/ or email the following: 09177929584, 09287444473, 09287886514 and [email protected].

vuukle comment

ALISIN

ANI GALBRAITH

AYAW

BILL GATES

GALBRAITH

HINGGIL

JOHN KENNETH GALBRAITH

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with