Correctional Institution for Women meron ding VIPs

ALAM n’yo bang meron din palang Very Important Prisoners (VIP) sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Bro. Joey Soriano ng Laoag City, Eliazar Pabustan Jr., Jovrex Baliton, Jeffrey Daria, Beth Oller, Emil Lagman, Virginia Yalong at Joy Basbas.

Alam n’yo bang meron din palang counterpart na VIP sa Women’s Correctional ang mga sikat na preso sa National Bilibid Prisons na si Ricardo Camata ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, Herbert Colangco ng Ozamis Kidnap-Robbery Gang at Drug Lord Amin Buratong?

Ayon sa aKing bubwit, ang sikat na VIP sa bilangguan ng mga kababaihan sa Mandaluyong City ay protektado naman diumano ng Superintendent ng CIW na si Atty. R. Ruelo, Dr. Lila Dacuma at dalawang prison guards na si Cecilia Alcala at Cathy Capanang.

Ang sikat na VIP sa CIW sa Mandaluyong ay ang Chinese national drug lord na si Yu Yuklai. Siya ay nahatulan naman ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa kasong illegal drugs trade.

Ayon sa aking bubwit, si Yu Yuklai ay nakapagpatayo ng “temple” na air conditioned pa sa loob ng bilangguan. Bukod dito, nagpatayo pa ng extension na bahay at dito naman nakatira ang mga kamag-anak ng lady drug lord.

Pero ang pinakamalupit dito ay ang pagpasok pa rin ng shabu sa loob ng kulungan. Ito ay ipinupuslit umano ng mga dalaw ni Yu Yuklai. Itinatago sa ilalim ng lalagyan ng mga beads na ginagawa raw na necklace ni Yu Yuklai. Ngunit ang laman pala sa ilalim ng lalagyan ay shabu na nire-repack sa ‘‘temple”ng lady drug lord.

Ayon sa aking bubwit, ang mga jail guard na sumisita sa ganitong operasyon ni Yu Yuklai ay isinusumbong ng drug lord  kay Atty. Ruelo at inililipat sa ibang assignment.

Ang ganitong illegal na aktibidad sa bilangguan ng mga kababaihan sa Mandaluyong ay ipinarating ko kay DOJ Usec. Francisco Baraan sa isang pana­yam sa DZRH at ipinangako niyang iimbestigahan.
   Abangan ang resulta sa susunod na kabanata.

Show comments