‘Roleta ng daga’
IKUT-IKOT at ulit-ulit lang…kung saang butas hihinto ang daga, swerte ka ngayon. Paano naman bukas? Palarin ka pa rin kaya?
“Kung paano niya iniwan ang girlfriend niya sa Pinas para sa’kin, ganun din ginawa niya sa amin,†ani Glo.
Ganito raw nagbalik ang sakit na ibinigay ni Orlan Caranguian o “Buboy†sa naiwang girlfriend nun sa Pinas ng piliin niya si Gloria “Glo†Caranguian at pakasalan.
Taong 2000 ng magkakilala sila Glo at Buboy sa Toyama Ken, Japan. Sa Quality Control si Glo ng touch panel (lcd screens). Electrical Engr. si Buboy.
Sa edad na 31 anyos wala pang asawa si Glo kaya’t pilit silang pinaglalapit ni Buboy na binata rin. Sila ang laman ng kantsawan.
“May girlfriend si Buboy sa Pinas pero naging malapit kami. Dumating sa puntong gusto na niyang iwan ang babae para sa’kin,†ayon kay Glo.
Seryoso si Buboy, inaya siyang magpakasal subalit tumanggi si Glo at sinabing ayusin muna ang pakikipaghiwalay sa girlfriend niya sa Pinas.
Desyembre 2000, bago matapos ang kontrata ni Buboy sa Japan, nag-propose siya kay Glo sa Toyama Ken. Abril 2001, nagbakasyon sa Pinas si Glo para sa araw ng kanilang kasal. Dalawang linggo makalipas balik Japan si Glo.
Sa Pampanga nadestino si Buboy. Abril 2002, pilit na siyang pinauwi ni Buboy. “Gusto na raw niyang magka-anak,†sabi ni Glo.
Bumalik ng Japan si Buboy at nagtrabaho sa Vestas Wind Technology Japan Co. Hd. hanggang ngayon. Taun-taong nagbabakasyon sa Pinas si Buboy.
Maayos ang naging buhay nila Glo at Buboy. kumikita raw siya ng P200,000 kada buwan at nagpapadala siya ng Php40,000-60,000 sa mag-iina. Nasundan ang kanilang anak nung taong 2007.
Abril 2013, nang makakuha sila ng sariling bahay sa isang subdibisyon sa Marikina. Buwan ng Mayo 2013, inassign si Buboy sa Pagudpud, Ilocos Norte.
Sa Fort Ilocandia Hotel siya tumuloy. Dito na raw nakilala ni Buboy ang umano’y bagong babae nito na kinilala raw ni Glo na si Jenny Agoto, receptionist. Nasa edad 26 anyos at may isang anak, ayon kay Glo.
Napansin ni Glo ang pagbabago sa mga kinikilos ni Buboy simula nung buwan ng Oktubre 2013. Sa tuwing uuwi raw ito araw ng Biyernes-Linggo panay text ito at chat sa laptop. “Sabi niya, ‘Trabaho lang!’,†ani Glo.
Hindi na rin nasasagot ni Buboy ang kanyang mga tawag.
“May session daw sila ng inuman kasama ang mga boss niyang Koreano. Hindi naman umiinom ng ganun kadalas asawa ko,†pahayag ni Glo.
Panay rin ang bili ng mga bagong damit, sapatos at relo nitong si Buboy.
Madalas na rin nilang pag-awayan ang tungkol sa pera. Nagbukas sila ng joint account para mapondohan ang pambayad ng kanilang nakuhang bahay. Nasa P200,000 mahigit ang unang laman nito. Nobyembre 2013, nabigla na lang si Glo ng makitang nasimot na ang pera sa bangko.
“Dear…bakit naman ang laki ng ginagastos mo dyan?†ani Glo.
Paliwanag ng mister nag-aabono siya ng mga materyales sa opisina. Ibabalik naman daw ito. Kada buwan naghuhulog ng Php80,000 si Buboy sa kanilang account subalit hindi pa natatapos ang buwan ubos na ang pera.
Tumindi ang kutob ni Glo na baka may babae ang mister.
“Siguro may babae ka na!†sabi ni Glo.
Mabilis na pagtanggi ni Buboy, “Ano ka ba naman. Kung anu-ano iniisip mo. Kung anu-ano kasing pinapanuod mong drama!â€
Desyembre 2013, nagpaalam si Buboy na may training sila sa Singapore, 2 days and 3 nights. Pagdating dun hindi na raw tumawag pa si Buboy.
Desyembre 23, pag-uwi ni Buboy, kinalikot nito ang kanyang bag at sinilip ang passport. Nakita niyang sa Hong Kong at hindi sa Singapore galing si Buboy.
“Saan ka galing Dear?†paulit-ulit na tanong ni Glo.
“Sa Singapore…†sagot ng asawa subalit sa huli umamin rin.
Kinalikot ni Glo ang cell phone ng mister. Tinawagan niya lahat ng mga numero dun at kaiisa-isang number na ‘di nakarehistro ang sumagot sa kanya.
“Babae ang sumagot. Tinext ko siya agad sabi ko, ‘Anong koneksyon mo kay Orlan? Asawa niya ito,†wika ni Glo.
Kinabukasan, nagalit na lang si Buboy at nalaman nitong tinext niya ang babae. “Boss ko yun! Alam mo ba?†palusot daw nito.
Dumaan ang Bagong Taong… 2014, maging sa sinehan lumalabas daw ang mister para may kausapin sa cell phone. Pag-uwi nila sa bahay, mismong anak niya na ang nakabasa ng text messages umano ni Buboy at Jenny.
“Nabasa raw niya sa inbox, ‘May asawa ka na e’. Reply daw ng daddy nya, “Next year aayusin ko ito. Pagbalik ko dyan pupuntahan kita,†ani Glo.
Pag-akyat ni Buboy sa kwarto, pinagsasapok niya ang asawa.
“Anong aayusin mo! Iiwan mo na kami ng mga anak mo?!†sabi nito.
Dumiretso sila sa San Mateo sa bahay ng kapatid. Wala humpay daw ang text ni Buboy kay Jenny. Nagkulong sa kwarto si Glo at tinext ang asawa na nasa terrace. “Dear… tigilan mo na yan! Patayin mo na lang ako!â€.
Mabilis na bumaba si Buboy at kinausap si Glo. Dito na raw siya umamin.
“Anong kasalanan ko? Bakit mo ko ginaganito? Mahal na mahal kita. Layuan mo siya, kakalimutan ko nangyari,†ani Glo.
“Paano kapag buntis ang babae hindi ko kayang talikuran obligasyon ko,†banggit daw ni Buboy.
Simula nun ‘di na umayos ang pagsasasama nila Glo hanggang bumalik ng Japan si Buboy nung Pebrero. Marso nagbakasyon pa raw ito ng Pinas at pumunta pa sa bahay ng magulang niya kasama si Jenny. Abril 28, 2014, nalaman na lang daw niyang nagbabakasyon sa Japan si Jenny kasama si Buboy.
Itinampok namin si Glo sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sinabi ni Glo na gusto na ni Buboy na ipawalang bisa ang kanilang kasal (Annulment). Bagay na ‘di daw niya hahayaan mangyari,
Maari niyang i-contest ang ihahaing ‘Annulment Case’ at sabihin niyang si Buboy ang may problema. Gawin niyang batayanan ay ‘Psychological Incapacity’ dahil sa mga inaasal niya. Tiyak na mapupunta sa kanya ang kustodiya ng mga anak at iuutos ng korte na magbigay ito ng sustento para sa mga bata.
Hayaan niya na ang asawa niya ang magsampa ng annulment dahil napakamahal nito at may prinsipyo sa batas na ‘ang pumupunta sa korte para makahingi ng ligal na aksyon, nararapat na malinis ang mga kamay’.
Pwede rin naman matapos ang Annulment Case hatiin ng Korte ang lahat ng kanilang napundar kahit walang naiambag ang babae dahil siya ang ‘legal wife’.
Bilang tulong, pinarating namin kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs ang kaso ni Glo para maipatawag itong si Buboy ng embahada natin sa Japan at mapaalalahanan sa mga responsibilidad sa kanyang asawa at naiwang mga anak sa Pinas. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest