ALAM ko na sa ilalim ng batas, ang mga convicted criminals na nasa 70-taong gulang pataas ay isinasailalim na lang sa probation. Hindi na ikinukulong pero binibigyan na lang ng resÂtriksyon ang kanilang mga galaw. Kailangan din silang mag-report tuwina sa kanilang mga itinalagang probation officers.
Ang hindi ko lang maseguro ay kung ganyan din ang policy sa mga hindi pa nahahatulan pero nakademanda sa non-bailable offense.
Si Senador Juan Ponce Enrile na kasamang kinasuhan ng plunder dahil sa pork barrel scam ay nobenta anyos na at sa tingin ko tama lang na bigyan siya ng kaunting kaluwagan basta’t bantayan na lang mabuti. Parang house arrest.
Kahapon nga ay personal na nakiusap ang co-accused ni Enrile na si Sen. Jinggoy Estrada kay Presidente Benigno Aquino III kaugnay nito. Minority Leader Juan Ponce Enrile.
Sabi ni Jinggoy, sila na lang dalawa ni Sen. Bong Revilla ang ikulong pero kahabagan na si Enrile dahil sa kanyang edad. Handang-handa na ang tatlo para harapin ang kaniÂlang kapalaran.
Ang sabi raw ni Enrile sa huling pagkikita nila ni Jinggoy ay magkita-kita na lang sila sa kalaboso. Sabagay alam kong sa kabila ng kanyang edad ay malakas pa si Enrile hindi lang sa pangangatawan kundi maging sa talas ng isip.
Minsan na rin siyang ipinakulong ni yumaong Presidente Corazon Aquino sa kontrobersyal na asuntong “rebellion complex with murder†pero pinalaya rin naman kaagad. Sanay na sa intriga ng politika si Enrile.
Sinabi ni Jinggoy na wala silang balak magtago at handa silang sumuko bago pa man ihatid sa kanila ang mandamyento de aresto.
“Wala naman tayong magagawa riyan kung talagang aarestuhin kami. Ako naman kusang susuko sa kanila kung mayroong ilabas na warrant of arrest ang Sandiganbayanâ€, dagdag pa ni Estrada.