Bakit may problema?

Bakit itong bansa’y maraming problema

gayong itong bansa ay lubhang maganda?

Kahit pagmasdan mo ang mundo at mapa

hugis ng Philippines talagang kaiba!

 

Bakit tatlong hati itong ating bayan

may Luzon Visayas at saka Mindanao?

Waring ang naghati’y  ang Poong Maykapal

upang tayong tao’y laging magmahalan!

 

Bakit ang bandila nitong ating lahi

ay lubhang makulay parang bahaghari

Kahit baliktarin sa lahat ng gawi

kagandahan  nito ay katangi-tangi!

 

Bakit ba may araw at mga bituin

sa kulay na asul tapat ang damdamin;

Sa kulay na pula tayo ay magiting

hindi natatakot kahit na takutin!

 

Bakit may problema  na nagsusulputan

dahil mga tao’y nagiging maalam!

Hindi tayo huli sa maraming bayan

pagka’t inaaral ang takbo ng  buhay!

 

Bakit ang ugali nating Pilipino

kaiba sa asal ng Kano at Ruso?

At lalong kaiba sa ugaling Tsino

na gusto’y sakupin ibang teritoryo!

 

Bakit ang daigdig habang umiinog

ang dulot sa tao’y maraming pagsubok?

Silang kanluranin kaiba ang ikot

tayo sa silangan ay anak ng Diyos!

 

Show comments