AKO ay naanyayahan na maging National Legal AdÂviser ng isang bagong kilusan na itinatag ng mga kaÂibigang manggagawa sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon). Ang pangalan ng movement ay Alisin ang Tanikala ng Kontraktwalisasyon, Korapsyon at Kahirapan (ATaKKK).
Hindi ako nag-atubiling tanggapin ang paanyaya ng mga officers ng ATaKKK dahil napapanahon na ang 50 million labor force ng Pilipinas ay manindigan at umalsa sa mapayapang paraan laban sa mga ganid na employers na nagpapairal ng contractualization hindi lamang sa Calabarzon kundi sa buong bansa at laban din sa katiwalian ng mga kawani ng gobyerno na mga protector ng contractualization.
Malawak na ang pagitan ng mga mahihirap at mayaÂyaman sa bansa. At ang pinaka-root cause niyan ay contractualization at corruption. Sa contractualization, milyun-milyong manggagawa ay di nabibigyan ng security of tenure at sapat na sahod at benepisyo dahil sa bago pa sila maka-demand ng fair salary and treatment ay tinatanggal na sila sa trabaho after 5 months. Mga “Endo†o end of contract employees ang nakakainsultong tawag sa kanila.
Naalala ko tuloy na noong kapanahunan ng mga nagÂhaharing uri at mapang-aping Kastila, ang bansag nila sa ating mga ninuno ay “Indioâ€. Wala na ang mga Kastila pero nananatili ang pang-aapi sa mga Pilipino lalo na yung mga “Endoâ€.
Kaya kung may Cry of Balintawak noon ang ating mga ninunong mga “Indio†laban sa mga Kastila, panahon na para magkaroon ng Cry of Calabarzon ang mga “Endo†at mga patriotikong Pilipino.
Mapayapang “himagsikan†ang gagawin natin sa paÂmamagitan ng halalan sa 2016. Iboto natin sa pagka-presidente ang kandidatong tunay na magpapatupad sa security of tenure clause ng Constitution. Huwag ‘yung mga protektor ng contractualization na sa pagmumukha pa lang ay alam na natin na corrupt, matakaw sa kapangyarihan o grossly incompetent.
Inaanyayahan ko kayo na sumali sa ATaKKK by texting and/or emailing the following: 09177929584, 09287444473, 09287886514 and email: han_sen703@yahoo.com. Mga “Endo†at patriotikong Pilipino, bangon na!