HINDI lamang ang mga grade school, high school at college students ang dumadagsa pabalik ng paaralan ngaÂyong linggo. Maging sa mga professional schools tulad ng Law and Medicine, pareho ding eksena ang nagaganap. Sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Law, sinalubong din ang bagong mga freshman bago mag-uumpisa ang apat na taong kalbaryo patungo sa kanilang pangarap maging abogado.
Ang isang obserbasyon ng mga deans at administrators ng law schools ay tugmang tugma ang panahon at ang mga usaping panlipunan sa mga papasok sa abogasiya. Ito lamang nakaraang taon ay itinayo ng RH Law ang haligi ng reproductive health sa bansa, isang isyu na patuloy na mangangailangan ng paglinaw at paghimay. Ganito rin ang sitwasyon sa nilinaw nang Cybercrime/cyberlibel law. Marami ring mga kontrobersya na bagamat napagpasiyahan na ng ating mga kinatawan sa Kongreso ay nananatili pa ring nakabinbin sa kandungan ng Supreme Court – nariyan ang DAP, ang EDCA, ang isyu ng influence peddling sa mga hukuman. At nariyan din ang mga isyung legal na sa larangang iba pa sa Supreme Court mapapag-usapan. Tulad ng international issue ng West Philippine Sea at ng mga imbestigasyon ng DoJ, Ombudsman at Senate Blue Ribbon Committee sa PDAF.
Bawat mamamayan ay may karapatang pag-usapan at pag-isipan ang mga higanteng isyung ito na sadyang nakakaapekto sa lahat. Ang propesyon ng batas ay narito hindi lamang upang ipaglaban ang inyong mga karapatan, nandito rin kami upang sumuri, magtanong, humamon at magpaliwanag sa lipunan ng mga mahirap intindihing probisyon ng batas. Ang mga argumento ng abogado ang nagsisilbing panghinang at panghimay sa mga kumplikado at sensitibong mga kwestiyon na tutulong sa mas maÂtalinong pag-unawa dito.
Sa lahat ng mag-uumÂpisa at bumabalik sa kani- kanilang napiling paaralan – maging ano man ang inyong kurso – binabati po namin kayo.
Nawa’y maging produktibo ang inyong mga nalaÂlabing taon bilang mga estudyante tulad ng pagiging produktibo ng inyong mga karera matapos magsiÂpagtapos.