IPINAGDIRIWANG ngayon ang Pag-akyat sa langit ni PangiÂnoong Hesus. Ipinahayag ito ni Lukas sa kanyang liham kay Teofilo na pinamagatang Mga Gawa ng mga Apostol. Ang una niyang liham ay ang ebanghelyo ng PangiÂnoon na sinimulan niya ng pagbati sa kagalang-galang na Teofilo. Kung bibigyan natin nang malalim na kahulugan ang mga liham na ito ay nauukol ito sa ating mga Kristiyano sapagkat tayo ang mga Teofilo na sa wikang Latin ay ang umiibig sa Diyos. Ang ibig sabihin ng Theus ay Diyos at ang philos naman ibig sabihin ay umiibig o nagmamahal.
Maging ang Salmo ni David na napaka-habang panahon na ang nakalipas bago dumating ni Hesus ay pinaghandaan na niya ang papuri sa Anak ng Diyos: “Habang umaakyat ang Diyos ang tambuli’y tumutunogâ€. Si Pablo ay nanalangin sa Panginoon na pagkalooban tayo ng Espiritu ng Karunu- ngan at tunay na pagkakilala sa Kanya.
Noong mga sandali nang Pag-akyat sa langit ni Hesus, pinagbilinan Niya ang mga alagad: “Ibinigay na sa Akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya humayo kayo at gawin ninyong alagad Ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santoâ€. Napakadakila at napakabanal ng huling paalam ni Hesus sa mga alagad. Ipinagbilin Niya na ating isabuhay ang Kanyang huling salita: “Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutanâ€.
Talaga palang may katapusan ng daigdig. Ang hindi natin alam ay kung kailan at kung paano ang katapusan. Ang tangi lamang nating isaisip at isapuso ay ang sinabi ni Hesus na: “Tandaan ninyo.†Kaya naman palagi tayong humanda at pagsisihan ang mga nagawang kasalanan. Gawin natin ito tuwina upang sigurado tayong mapasama sa Kanyang inakyatang kaharian.
Bukas ay pasukan na naman. Muli tayong dumulog sa liwanag ng Espiritu Santo, upang gabayan ang lahat ng mga estudyante na isapuso at isaisip ang lahat ng itinuturo sa kanila bilang paghahanda sa kinabukasan ng kanilang buhay. (Gawa1:1-11; Salmo 46; Efeso1:17-23 at Mateo 28:16-20)
* * *
Advanced happy birthday kay Fr. Anton Pascual ng Radio Veritas sa Hunyo 3.