PUBLIC service muna. Nananawagan sa kapulisan ang mga residente ng Gatchalian Village sa Las Piñas dahil sa sunud-sunod na nakawan na nangyayari sa naturang subdibisyon.
Ang mga biktima sa loob lang ng ilang araw nitong buwan ng Mayo ay ang residente ng mga Espenilla sa Aguilar St., isang nagngangalang Joseph S. sa Talampas (phase 3) at isa pang 70 taong gulang na nagngangalang Ging Abeto. Ilan lamang sila sa mga nagreklamo sa atin kaya nananawagan tayo sa Philippine National Police na dagdagan ang police visibility sa lugar na ito. Nagkakasakit raw ng nerbyos ang mga residente. Aksyon na! Kung walang pulis at least may barangay naman. Ano ang ginagawa?
* * *
Maraming sakit daw ang ubrang lunasan ng ipinag-baÂbawal na marijuana. Pero alam ng madla na ang Marijuana, simula pa sa panahon ng ating mga ninuno ay isa nang ipinagbabawal na bagay dahil ibinabaon ang gumagamit sa masamang bisyo.
Sa Kamara de Representante ay iniharap na ni Isabela Rep. Rodito Albano III ang panukalang paggamit ng marijuana bilang gamot o House Bill 4477 (Compasionate use of Medical Cannabis Act), para umano mapakinabangan ng mga may maselang karamdamang kayang gamutin nito.
Isa umano sa kayang gamutin nito ay ang epileptic seizures. Ayon sa panukala, matutugunan ang demand ng mga pasyente at na may wasting syndrome, dumaranas ng matinding sakit, sobrang pagkahilo at pagsusuka o nausea, seizures o severe muscle spasms.
Sa kabila ng benepisyo nito, marami ang nangangamÂba na baka dumami ang mga durugista sa ating bansa. Ayon kay Albano, magpapatupad ng mabigat na regulasÂyon para tiyaking hindi maabuso ang marijuana.
Itatadhana sa panukalang batas ang pagtatayo ng Medical cannabis regulatory authority na siyang magbibigay ng registry identification cards sa mg pasyenteng pahihintulutang gumamit ng medical marijuana.
Pero ang marijuana ay madaling tumubo. Kahit sa paso ay puwedeng itanim. Kapag naging batas ang panukala ni Albano, natural magkakaroon ng plantasyon ng marijuana. Paano masisiguro na ang mga tanim ay hindi maipupuslit sa labas para ibenta sa mga sugapa? Wala akong tutol sa panukala basta’t matitiyak lang na hindi mapapasakamay ng mga illegal users ang halamang ito.