KAHAPON, inihayag ni Manila mayor Joseph Estrada na bababa na sa puwesto ang kanÂÂyang pamangkin na si Laguna governor Jeorge “ER†Ejercito habang hindi pa naÂkaÂpagÂpaÂpasya ang Supreme Court sa disqualification order na isinampa ng Commission on Elections (Comelec). Napatunayan ng Comelec na guilty si Ejercito sa sobrang paggastos noÂong Mayo 11, 2013 elections. Gumastos umano si Ejercito ng P23 million para sa kanyang campaign advertisement. Nakasaad sa batas na ang dapat lamang gastusin ni Ejercito ay P4.5 million. Sa botong 7-0, napatunayan ng ComeÂlec na sobra-sobra ang nagastos ni Ejercito kaya walang dahilan para hindi ito alisin sa puwesto. Suportado umano ng mga dokumento ang paglabag ni Ejercito at kabilang dito ang mga kontrata sa television networks. Ang puÂmaÂlit kay Ejercito ay si Vice Governor Ramil Hernandez.
Nang ipatupad ng Comelec ang disqualification order kay Ejercito, maraming suppor-ters ng governor ang nag-vigil sa kapitolyo. Sabi naman ni Ejercito, naniniwala siyang kakampihan ng Kataas-taasang Hukuman dahil maÂnanaig ang boses ng 550,000 botante na nagluklok sa kanya. Naniniwala rin siyang puÂlitika ang nasa likod ng pagkakaalis niya sa puwesto.
Maganda ang naging pasya sa pagbaba ni Ejercito. Dapat lamang na bumaba at irespeto ang Comelec sa desisyon. Ang SC lamang ang makapagpapasya sa kanyang apela.
Nararapat naman na maging masigasig ang Comelec sa pagpapababa sa iba pang kandidato na gumastos nang sobra-sobra. Umano’y hindi lamang si Ejercito ang gumastos nang malaki kundi maraming iba pa. Kung hindi magkakaroon nang sigasig ang Comelec at si Ejercito lamang ang kanilang tanging napababa, maaaring isipin nga na pulitika ang nasa likod ng disqualification. Upakan ang dapat upakan kahit kapartido ng administrasyon. Hahangaan ang Comelec kung wala silang sasantuhin.