KAHIT PARATI KANG NAG-EEHERSISYO, pag-iingat ng iyong kinakain o anumang estado mo sa buhay, kapag tinamaan ka ng sakit hindi lang ikaw ang apektado kundi pati buong pamilya mo.
Kaisa ng programa sa radyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang “PUSONG PINOY†ng DWIZ 882 KHZ. Umiere tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II o “Atty. Joyâ€--- General Manager ng PCSO at ni Monique Cristobal sa pagtulong sa mga kababayan nating may karamdaman na kinakailangan ng tuluyang gamutan subalit walang kakayahang ipagpatuloy ang kanilang medikasyon.
Isa na sa kanila ang dating sekyu na si Ben Ganitnit, 54 anyos. Taga Tanyag, Taguig City. Taong 2009, ng malaman ni Ben na lumalaki ang kanyang kanang Kidney (bato).
Dahil sa kakulangan na pinansyal hindi na siya nakapagpagamot. Nahirapan sa pag-ihi, pagsakit ng bewang, likod, tagiliran at pagdumi ng may kasamang sariwang dugo ang mga palatandaan ng kanyang sakit.
Nagpatingin sa South Super Highway Medical Center si Ben. Sinuri ang kanyang ihi at inultrasound siya. Nakitang meron din siyang ‘enlargement of prostate’. Binigyan siya ng Ofloxacin 400mg para sa paglaki ng kanyang prostate.
Pinababalik naman si Ben para sa ibang gamuan ng kanyang Kidney subalit kahit pang laboratoryo walang pantustos si Ben.
Dalawampung taon ng gwardiya si Ben subalit nahinto siya sa pagtatrabaho mula ng magkasakit. Kahilingan ni Ben, matulungan siya ng PCSO para sa kanyang gamutan at panglaboratoryo.
“Sana po matulungan niyo ko sa karamdaman ko para mapagamot po,†panawagan ni Ben.
Si Michael Casio ng Sta. Rosa, Laguna dating namamasada ng dyip ay nagpunta rin sa programang “PUSONG PINOY†para ihingi ng tulong ang pagpapagamot ng kanyang asawa na si Nancy Casio.
Sa edad na 42 anyos, may sakit ng Chronic Kidney Disease si Nancy.
Enero 18, 2011, na-diagnose na merong sakit sa Kidney ang misis. Biglang bumaba ang kanyang Hemoglobin Counts.
Sinalinan siya ng dalawang ‘bag’ na dugo—type A at pinainom ng oral medicines. Agad din siyang sumailalim sa ‘Hemodialysis treatment’.
Pinagbawalan ng kumain si Nancy ng matatabang pagkain at karne. Bawal din siyang magbuhat ng mabibigat dahil sa kanyang pistola.
Taong 2008, nagkaroon ng ‘diabetes’ si Nancy. Dating ‘midwife’ (nagpapanak) si Nancy kaya’t ang kaunting alam niya pagpagagamot sa mga tumaataas ang ‘blood sugar’ ay kanyang ginawa. Nag-‘self-medicate’ siya.
“Naapektuhan ang kanyang kidneys dahil sa pag-inom ng gamot na hindi naman nireseta ng doktor,†ani Nancy.
Sa ngayon dalawang beses sa isang linggo sumasailalim sa hemodialysis si Nancy. Nagkakahalaga ito ng 2,500 per session at mga oral medicines na kailangan niyang inumin para sa kanyang diabetes at high blood pressure.
Maliban sa sakit sa kidney malabo na rin ang mata ni Nancy kaya’t napilitan si Michael na tumigil sa pamamasada ng dyip para magabayan ang asawa.
“Sana matulungan niyo po ang asawa kong si Nancy sa pagpapa-dialysis. Nagpapasalamat po ako sa inyo ngayon pa lang,â€â€ ani Michael.
Si Mariel Lovella Pangan ng Laguna, isa namang nars ay lumapit din sa PCSO para sa kanyang ina na nagda-dialysis, si Magdalena Pangan, 61 anyos.
Marso 2009, ng ma-diagnose na may sakit sa bato ang ina. Agad sumailalim sa Hemodialysis si Magdalena, dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Labing isang taon ng diabetic si Magdalena. Ayon sa doktor ang pag-inom niya ng kanyang ‘maintenance medicines’ sa loob ng mahabang taon ang dahilan ng pagkasira ng mga bato nito.
Dating ‘lady guard’si Magdalena mula ng magkasakit siya sa bato tumigil na siya sa trabaho dahil unti-unti siyang nanghina.Namanas ito, kaunting lakad hinihinigal at namumutla kaya tumigil na ito sa bahay.
Dati katuwang ni Mariel ang kanyang amang isa ring sekyu sa pagpapagamot sa ina subalit namatay ito nung nakaraang taon kaya’t siya na lang ang mag-isang tumutustos sa pangangailangan ng ina katulong ang ilang ahensya ng gobyerno tulad ng PCSO.
“Nandito po ako para humingi ng tulong…medical assistance para sa mama ko na si Magdalena. Sana matulungan niyo po kami,†ani Mariel.
Personal ding nagpunta tanggapan ng “PUSONG PINOY†si Rosenaneth De Guia, 44 na taong gulang ng ng Cainta, Rizal. Disyembre nung nakaraang taon nalamang may myoma at mga cyst sa labas ng matres si Rose.
Bago ma-‘diagnose’ na may myoma si Rose, nakaramdam siya ng pananakit sa balakang at pamamanhid. Dalawang beses din siya nagkakaroon ng menstruation. Mula 2007, ganito na ang menstrual cycle ni Rose.
“Tiniis ko lang po dahil kapos din po ako sa pera,†pahayag ni Rose.
Nitong nakaraang taon hindi na niya kinaya dahil namanhid na pati ang mga paa ni Rose. Naghagilap siya ng pera para makapag-ultrasound dito nakita na meron siyang mga cyst at myoma.
Pinayuhan siya ng mga doktor na tumingin sa kanya mula Philippine General Hospital (PGH) na maoperahan sa lalong madaling panahon.
“Kailangan ko maoperahan bago sumabog ang mga bukol sa loob ng katawan ko. Sana matulungan niyo ko, gusto ko pa mabuhay,†ani Rose.
Ilang lamang sina Rose,Mariel, Michael at Ben sa mga lumalapit sa programa ng PCSO sa radyo ang “PUSONG PINOYâ€.
“Mabigat man ang inyong pinagdadaanan. Malalampasan niyo rin lahat ito. Nandito kami palagi sa “Pusong Pinoy†para kayo’y tulungan sa inyong mga pangangailangang medikal,†pahayag ni Atty. Joy.
Mapapakinggan ang kabuuang istorya at ng ilang pang pasyenteng lumalapit sa “PUSONG PINOY†sa tuwing Sabado mula 7:00-8:00 AM dito lang sa DWIZ 882 KHZ, AM BAND.
SA GUSTONG LUMAPIT SA PCSO, para sa pangangailangang medikal pumunta lang sa tanggapang ng “PUSONG PINOY†sa address sa ibaba o tumawag sa kanilang mga numero… dahil sa programa ni Atty. Joy Rojas lahat ng lumalapit dito ay natututukan at nabibigyan ng mahalagang atensyon.
PAALALA SA PUBLIKO: Ang dating opisina ng PCSO sa Philippine International Convention Center (PICC) ay nailipat na sa 9th floor Conservatory Shaw Plaza Bldg, Sun Plaza Bldg at Peak Sun Enterprises Bldg Shaw Boulevard, Brgy. Wack-Wack, Greenhills East, Mandaluyong City.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Ang aking official page sa facebook: www.facebook.com/tonycalvento
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038