NILAGDAAN noong isang araw ang pinakaunang maritime boundary treaty sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia. Pagkatapos nang mahigit 20 taon na may overlapping maritime claims sa Philippine Sea at Celebes Sea, mapayapang naresolba ng dalawang bansa ang problema.
Kung anuman ang napagkasunduan ng dalawang bansa, hindi rin maikakaila na may matagal nang cross-border ties ang mga nasa East Indonesia at ang mga nasa katimugang bahagi ng Mindanao. History na ang magsasabi na ang trading sa dalawang bansa ay nagsimula pa noong panahon ng mga kanununuan natin.
May ilang maliliit na isla sa Mindanao gaya ng sa Sangir group of Islands at Tahuna na magkalapit lang sa mga isla sa East Indonesia gaya ng Balut at Sarangani Island.
Kaya hindi na nakapagtataka na may tinatayang higit 20,000 Indonesians na naninirahan na sa Pilipinas, partikular na sa mga isla ng Sarangani at Balut Island, maÂging sa lalawigan ng South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Maguindanao, Davao Oriental at maging sa mga siyudad ng General Santos at Davao City.
Ang mga Indonesian na ito na nasa Pilipinas ay nakapag-asawa na ng Pilipino at nagkaanak at nagka-apo na rin. Bumuo na sila ng kani-kanilang pamilya na rito na rin nila tinaguyod.
At ayon sa Department of Foreign Affairs, may 9,844 Pilipino lamang ang nasa Indonesia. Karamihan sa mga Pilipinos na ito ay nasa matataas na posisyon sa mga malalaking korporasyon doon.
At dahil nga sa magkalapit lang ang Mindanao at East Indonesia, hindi na nakapagtataka na magkakaroon na rin ng mga pagbiyahe gamit ang pumpboats o anumang sasakyang pandagat at ayon nga sa intelligence community, na may tinatayang 26,000 boat trips bawa’t taon ang nangyayari sa pagitan ng dalawang bansa na walang kinauukulang proper travel documents.
Kaya ang 26,000 na annual undocumented boat trips na ito ay dahil na rin sa napakalawak na coastlines ng Mindanao kaya karaniwang hindi napapansin ng mga awtoridad ang mga biyahe ng mga barko at bangka na pabalik-balik na lang.
Isa lang din ang ibig sabihin nitong 26,000 undocumented boat trips--- ang matinding kakulangan ng sasakyan at gamit ng ating mga otoridad, ‘yung mga nasa Philippine Navy at maging sa Coast Guard at Maritime Police.
Hindi na nakapagtatakang lusot lang nang lusot ang mga undocumented biyahe sa pagitan ng East Indonesia at ng Mindanao kesehoda mang may maritime boundary treaty na ngayon.