MAGKAKAROON ng kolaborasyon ang Japanese Broadcasting Company NHK at ang ABS-CBN, kung saan magpapalabas ng ilang kuwento hinggil sa mga Pilipino sa Japan. “Happy Surprise†ang pamagat ng palabas, at ipakikita ito sa Rated K. Ang unang bahagi ay tampok ang isang sikat na Sumo wrestler. Si Masunoyama ay isang Filipino-Japanese na sumo wrestler. Pilipina ang kanyang ina, si Maria Christine.
Pinalabas ng “Happy Surprise†kay Maria Christine na itinatampok ng Rated K ang mga Pilipinong nasa Japan. Habang nagaganap ang panayam ko sa kanya, antimanong may plano na pala ang kanyang anak na si Masunoyama para sa kanya. Ayoko na masyadong magkuwento, kaya inaanyayahan ko ang lahat na manood ng Rated K sa Linggo (Mayo 25) sa ABS-CBN. Siguradong matutuwa at maluluha kayo.
Napakaganda ng ating relasyon sa Japan. Akalain n’yo sila pa ang gumawa ng palabas kung saan itinatampok ang mga Pilipino sa kanilang bansa. Ang ating mga kabaÂbayang nasa ibang bansa ang nagbibigay parangal sa atin, kaya tama lang na ang kanilang mga kuwento at buhay ay umaabot sa atin.
Pero ito ang maganda at masayang panig ng kuwento ng ating mga kabababayan sa ibang bansa. Hindi lahat ay masaya. Ang iba, puspos ng peligro. Katulad na lang ng OFW sa Riyadh na binuhusan ng kumukulong tubig ng kanyang Arabong amo, dahil lamang sa napakababaw na dahilan. Hindi pa siya binibigyan ng sahod at minamaltrato pa nang husto. Mabuti na lang at nailigtas siya ng kanyang pinsan sa tulong ng mga tauhan sa ospital kung saan siya dinala.
Ganito ang mga peligrong kailangang harapin ng ating mga kababayan sa Middle East. Mababa ang tingin sa babae, kaya ganyan ang pagtrato sa kanila. Dapat siguro pag-aralan kung dapat pang payagang magtrabaho sa lugar na iyan, kung may mga ibang lugar naman na mas ligtas at mas patas ang pagtrato sa ating mga kababayan. Hindi ako naniniwalang mapaparusahan ang abusadong amo. Dapat umuwi na lang ang biktima, para dito na lang magpagaling sa tulong ng gobyerno.