^

PSN Opinyon

Kailangang magkaisa ang ASEAN

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAPAPANSIN ang malaking pagkakaiba ng reaksyon ng Pilipinas sa Vietnam, hinggil sa patuloy na pag-aang­kin ng China sa buong karagatan. Marahas na ang mga kilos-protesta sa Vietnam laban sa mga negosyo at kom­panyang pag-aari ng Chinese. Dalawang Chinese na ang kumpirmadong patay at 100 ang sugatan sa patu­loy na protesta ng Vietnam. Naghahanda na nga ang China na ilikas ang kanilang mga mamamayan kung hindi huhu­pa ang tensyon at karahasan. Sa karagatan kung saan nagtayo ng oil exploration rig ang China, patuloy ang girian ng dalawang bansa sa pamamagitan ng paggamit ng mga water cannon sa isa’t isa at mistulang patintero sa dagat. Hinihikayat na ng gobyerno ng Vietnam na itigil na ang karahasan, pero mainit talaga ang mga Vietnamese.

May kasaysayan ng karahasan at sagupaan ang dalawang bansa, kaya hindi nakapagtataka kung bakit nabuhay ang baga ng galit ng Vietnam. May mga Pilipino sa Vietnam na nakikisali na rin sa mga demonstrasyon at kilos-protesta. Sa isyu ng China, magkasangga ang Vietnam at Pilipinas.

Pero iba naman ang ating reaksyon. Idinadaan natin sa mapayapang kilos-protesta. Hindi tayo nananakit ng mamamayan na taga-China. Hindi natin sinusunog ang kanilang mga itinayong negosyo sa bansa. Mapayapa ang ating mga reklamo, at idinadaan sa diplomasya. Inangat natin ang lahat ng ating reklamo sa United Nations, na ayaw naman makibahagi ng China.

Sa gaganaping World Economic Forum on East Asia, siguradong mag-uusap ang mga pinuno ng Vietnam at Pilipinas hinggil sa mga problemang dulot ng mga kilos ng China sa karagatan. Kailangang magkasangga ang dalawang bansa sa laban na ito. Sa totoo  nga, dapat ang buong ASEAN ang magkasangga, pero may mga bansa pa rin diyan na ayaw harapin ang China sa isyung ito, kahit sila mismo ay may pag-aangkin din sa karagatan. Ito sana ang magbago, lalo na’t nagiging masama na ang sitwasyon sa pagitan ng Vietnam at China. Magkaisa ang ASEAN, hindi ang iilan lang. Kung tutungo na lang, lalong aangkinin ng China lahat at tila wala namang pumapalag.

 

CHINA

DALAWANG CHINESE

EAST ASIA

HINIHIKAYAT

PILIPINAS

UNITED NATIONS

VIETNAM

WORLD ECONOMIC FORUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with