MAHINA ang Chief Kuwago sa agrikultura kaya huwag ninyo akong tatanungin tungkol dito.
Ang mga Chief Kuwago, ay Batang Quezon City ngayon at taga-Maynila noon pa man, kahit ang mga magulang ko ay lumaki sa Cebu at masasabing marami rin kaming kamag-anak sa Aklan at Sibuyan island.
Sabi nga, my grandmother and mother!
Pero hindi ito dahilan kung bakit hindi ako dapat makialam sa katayuan ng ating agrikultura lalo’t nangako si P. Noy na prayoridad niya ang “food security†program sa Republic of the Philippines my Philippines.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lalo na ngayon na para bang sinisiraan at pinagsasabong ng ilang mga pulitiko itong ating Agriculture Secretary Proceso Alcala at ni dating Senador Kiko Pangilanan na kailan lang ay nahirang na President Assistant on Food Security.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umaalingawngaw na gusto pang ipasipa kay P. Noy si Alcala dahil wala na raw siyang silbi sa pagpasok ni Kiko.
Naku ha. Hindi uubra!!!
Kamalas-malasan naman, inilabas ng Malacañang ang appointment ni Kiko noong bisperas ng ika-10 anibersaryo ng May 10, 2004 presidential elections. Doon kasi nakilala siyang ‘Mr. Noted’ dahil pinigil naman kasi niya ang pagbubukas ng mga balota para malaman kung dinaya nga ba si Fernando Poe Jr. sa paulit-ulit n’yang pagbanggit ng “noted†tuwing kinukulit ng oposisyon.
Hindi mo naman masisi si Kiko dahil noon kakampi pa niya si Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at siyempre kailangan tukuran ang kanilang manok sa halalan pero ang pangyayari noon ay dapat kalimutan na dahil masasabak sa isang importanteng trabaho si Kit.
Ngayon, pati mga kakampi nila sa gobierno pinipilit pagsabungin sina Kiko Alcala.
Sabi nga, inuurot!
Sa tutoo lang ay kabarkada ni P. Noy sila kaya siguro nakuha kaagad sa Gabinete last 2010.
Sabi nga mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, medÂyo mahirap ang laban kung papatulan ni Kiko ang mga buyo at urot sa kaniya. Hindi dahil malakas si Alcala sa malakanin este mali Malacañang pala, kundi masyadong maraming kailangang gawin sa hanay ng agrikultura na mas makabubuting magmukha silang “Batman and Robin†sa Kagawaran ng Agrikultura.
Asikasuhin n’yo na ang problema ng pagkain
Ito naman kasing si Agricuture Secretary Proceso Alcala, nagdeklara agad na makakamit ang “rice sufficiency†sa PhiÂlippines my Philippines noong 2013, kaya bigla siya ngayon sinisingil ng mga inggitero.
Ang problema nga lamang ng busisiin at pinagtitingnan ko ang mga nagawa nitong si Alcala, mukhang hindi naman pala natulog sa pansitan itong batang Quezon.
Matapos ang 2013, tayo ay self-sufficient na sa palay ng 96 per cent, kumpara mo naman sa 81 per cent last 2010.
Ang hindi ko maintindihan napagbintangan pa si Alcala na “coddler†ng mga smuggler ng bigas.
Ang bulong nga ng mga asset ng mga kuwago ko, talagang ‘yang mga smuggler na ‘yan ang bumubugbog kay Alcala kung may pagkakataon dahil nabawasan pala ng 71 porsiyento ang importasyon sa bigas ng National Food Authority mula 2010-2013.
Naku, ibang kuwento pa ‘yang smuggling na ‘yan. Pipilitin ko ngang siyasatin ‘yan. Siguro, puwde na rin ipagpatuloy ni Kiko ang pagpigil dito sa mga smuggler na ito dahil siya na ang may hawak sa NFA.
Sa halip na magbangayan sina Alcala at Kiko, dapat nilang pagtulungan makamtan natin ang minimithing “food security†sa Philippines my Philippines.
‘Eto na parating na naman ang El Niño, at tiyak na ang atin mga sakahan ang maapektuhan ng matinding tagtuyot kundi pagtutuunan ng buong pamahalaang ang problema.’ Bulong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
‘Maganda yata na kumilos na sina “Batman at Robin†para lalong mapabilis na ang pag-unlad ng ating agrikultura, at nang hindi tayo mapag-iwanan sa kangkungan.’ Sabi ng kuwagong salawahan.
Abangan.