HINDI ukol sa pulitika ang tinutukoy kong 2016. Lalong hindi ito tungkol sa presidential election.
Ito ay dahil ang 2016 ay ang panahon na inaasahang maging operational na ang mga coal-fired power plants na kasalukuyang tinatayo sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao upang maging solusyon sa lumalalang problema sa hanggang 12 hours na daily power outages na matagal nang nangyayari sa katimugan.
Umaabot hanggang 350 megawatts ang power shortage ng Mindanao grid lalo na kung ang peak demand ay napakataas at ang kayang actual supply ay mababa. Kaya naman nagreresulta ito sa power curtailment sa distribution ng power supply na naging sanhi ng malawakang brownout sa Mindanao.
Pati nga rito sa Davao City na kung saan may standby power plant pa rito ay wala kaming kawala sa brownout na umaabot may walong oras. Bilyun-bilyon na rin ang nalulugi sa mga negosyo rito sa katimugan.
Ang malawakang brownout at nangyayari lalo na kung summer months dahil nga sa tagtuyot at bumababa ang water levels sa Lake Lanao sa Marawi City at maging sa Pulangi River sa Bukidnon na silang mga main sources ng hydroelectric power plants.
Ang Mindanao ay largely dependent sa hydro-elelectric power kaya kung bumaba ang water levels sa Lake Lanao at Pulangi River, apektado agad ang power supply sa isla.
Ngunit sa kasalukuyan ay may apat na malalaking coal-fired power plants na tinatayo sa magkaibang lokasyon dito sa Mindanao.
Kahit paano umaasa ang mga Mindanaoan na pagÂdating ng 2016 ay aandar na at isa na roon ay ang 200MW coal-fired power plant sa Maasim, Sarangani na tinatayo ng Conal Holdings Inc.
Ang San Miguel Corporation ay kasalukuyan ding gumaÂgawa ng isang 400MW coal power plant sa Malita, Davao del Sur.
Samantalang ang Filinvest Development CorpoÂration Inc., ay nasa kalagitnaan din ng construction ng isang 405MW power plant sa loob ng Phividec industrial estate sa Misamis Oriental.
At ang AboitizPower Corporation, through its Therma South subsidiary, ay malapit na ring matapos ang tinatayo nitong 645MW coal-fired power plant sa Barangay Binugao, Toril district dito sa Davao City. The project is expected to be operational by 2016.
Ang Ayala Corporation naman ay magsisimula pa sa construction ng isang P50-billion 405MW coal-fired power plant sa Lanao del Norte.
Sa dinami-dami nitong mga power plant projects ay umaasa ang mga Mindanaoans na kahit paano wala nang brownout sa 2016.
Sana 2016 na.