^

PSN Opinyon

Tagumpay ang summer

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TAGUMPAY ang proyekto nina President Noynoy Aquino at Secretary Ramon R. Jimenez, Jr. ng Department of Tourism na maka-engganyo ng may tinatayang 10 mil­yong turista nitong summer. Kasi nga tinutukang maigi nina Sec. Joseph Emilio Abaya ng Department of Transportation and Communication, Administrator Maximo Q. Mejia, Jr. ng Maritime Industry Authority, Sec. Rogelio L. Singson, Department of Public Works and Highways, PNP chief Alan Purisima, Vice Admiral Rodolfo D. Isorena ng PCG at Sec. Mar Roxas ng Department of  Interior and Local Government ang kanilang mga tauhan.

Sa totoo lang mga suki, naging maayos ang seguridad sa mga pantalan ng Batangas, Calapan at Roxas, Mindoro at Caticlan, Aklan matapos magsanib ang puwersa ng PPA police, PNP, AFP, Sea Marshall ng Coast Guard, Maritime police at Port Securities. Kaya wala tayong nabalitaan na may nabiktima ng pandurukot, pagnanakaw, salisi at rambulan sa pila ng mga pasahero. Ngunit kung tagumpay ang seguridad na inilatag sa mga pantalan palpak naman ang shipping companies dahil naantala ang ilang biyahe ng mga RoRo vessels. Kasi nga may ilang RoRo Vesels na pinayagan ng DOTC na makapaglayag kahit na ito’y uuga-uga na ang pasilidad, katulad na lamang sa kinakalawang na barko, sira-sirang upuan o teheras. 

Napawi naman ang pandidiri ng mga pasahero dahil naging ligtas ang paglalayag sa dagat. Hindi dapat ito maging batayan upang manahimik at kukuya-kuyakoy na lamang sina P-Noy at  Sec. Abaya sa kanilang ma-g­a­­rang opisina dahil kung patuloy itong kalakaran ng shipping industries na kahit bulok na ang mga barko ay papayagan pa ring makapaglayag tiyak na malalagay sa panganib ang mga turista at local tourist, di ba mga suki!

Ang dapat siguring gawin nina P-Noy at Abaya ay inspeksyunin ang mga RoRo vessel ng kanila mismong makita ang nakakadiring tanawin. Samantala, saludo ako sa ipinakitang police deployment nina MIMAROPA Police Director Chief Supt. Dennis Pena, Deputy Regional director for Admistration Chief Ronald Estilles at Deputy Regional Director for Operation SSupt. Virgilio Parrocha, kasi nga pagtuntong mo pa lang ng Calapan Port makikita na agad ang mga pulis sa kapaligiran. Ang nautical road mula Calapan, Baco, San Teodoro hanggang Puerto Galera ay talaga bantay sarado ng kapulisan. Ang Calapan, Naujan, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Bongabon at Roxas ay bantay sarado rin ng mga local police kaya kaliwat kanan ang mga nasisitang motorcycle riders sa highway. Dahil sa kasipagan ng MIMAROPA police halos walang naitalang aksidente sa highways.

Kita n’yo na mga suki, kung magtutulungan lamang lahat ng ahensya ng pamahalaang Aquino tiyak na ligtas ang lahat ng mga bakasyunista at nasisiguro kong aangat na naman ang ating ekonomiya. Congratulations mga Sir!

 

ABAYA

ADMINISTRATOR MAXIMO Q

ADMISTRATION CHIEF RONALD ESTILLES

ALAN PURISIMA

ANG CALAPAN

CALAPAN

CALAPAN PORT

COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with