FOR the first time, aprub na aprub sa akin ang sinabi ni Janet Lim Napoles, ang sinasabing mastermind sa P10-bilyong “pork barrel†scam.
Aniya, yung mga mambabatas na walang kasalanan ay hindi dapat mangamba kahit pa sila tinutukoy sa listahang umano’y ibinahagi niya kay Justice Sec. Leila de Lima.
Ang statement ni Napoles ay ibinahagi sa media ng kanyang abogadong si Bruce Rivera. Hindi pa ibinubunyag sa publiko ang talaan ng mga sinasabing sangkot sa scam pero bakit marami nang umaaray? Lumilitaw din na tila marami ring kaalyado ang administrasyon sa talaan.
Anuman ito, pihong nagagalak ang mga pangunahing senador na inaakusahan sa eskandalo: Sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong†Revilla. May kasabihan sa Inggles na “Misery loves company.â€
Mayroong hindi pa nga pinapangalanan ay nagsasabi nang hindi sila kasali diyan. Marami ring umaalma na dapat nang isapubliko ang talaan para malinis nila ang pangalan nila sakali man at nadadawit sila.
Kung ako ay isang Representante o Senador na nasa talaan at alam ko’ng wala akong kasalanan, bakit ako mangangamba?
Ang taong walang kasalanan ay siguradong makalulusot dahil mapapatunayan naman niya ang kanyang pagiging inosente kahit pa gawan sila ng mga pekeng ebidensya.
Ipa-analyze lang sa fingerprint expert ang mga dokumentong sinasabing pinirmahan nila ay mapapatunayan kung sa kanila nga.
Wala pang official disclosure bagamat ang publiko ay naÂbigyan na ng ideya kung sinu-sino ang mga taong nakalista sa talaan ni Napoles na hindi lamang pala si de Lima ang binigyan kundi may iba pang personalidad tulad nina dating Senador Ping Lacson at pati ang whistleblower na si Sandra Cam.
Ibinigay daw ito ng kaanak ni Napoles upang tiyaking hindi masa-sanitize ng administrasyon ang listahan. Baka nga naman may mga taong kaalyado ng administrasyon ang bigla na lang mabura.