NOONG Abril 1, 1901, sa kasagsagan ng Philippine-Ame-rican War, pinamunuan ni Gen. Miguel Malvar ang hukbong rebolusyonaryo, nang mabihag ng US Army si President Emilio Aguinaldo. Iniatas ni Aguinaldo ang kapangyarihan ni Malvar sa line of succession na aprubado ng Hong Kong Junta. Batay sa decree, naging pangatlo si Malvar, mula kay Antonio Luna, na naging captain-general ng Philippine Army.
Kinikilala ng National Historical Commission ang natu-rang line of succession. Dinadakila si Malvar (1865-1911) sa pamamagitan ng museo at monumento sa kanyang bayan sa Santo Tomas, Batangas.
Pero sa website ng Philippine Army, wala si Malvar sa talaan ng mga naging commanding general. Isa itong pagtatwa sa kasaysayan, at pagkutya sa angkang Malvar. ‘Yan ang dahilan sa petisyon ni G. Norman Sison sa change.org kay Armed Forces chief Gen. Emmanuel Bautista na ituwid ang pagkakamaling ito. Magtagumpay sana si G. Sison.
Matatag, makawasto, at mapagkumbabang heneral si Malvar. Makikita ito sa dalawa niyang aksiyon. Nu’ng Hulyo 13, 1901, nagkalatas siya sa mamamayan at hukbo ng Pilipinas. Sinimulan niya ito sa pagsabing hinawakan niya ang Supreme Commandership dahil sa alam na ng lahat na masalimuot na kaganapan (ang pagbihag kay Aguinaldo). Aniya mas nais sana niya na hinalal ng Gene-ral Assembly ang sinumang hahalili sa hukbo. Ngunit dahil hindi maaring mag-Assembly at tinutulak na siya ng mga kapanalig, pinamunuan na niya ang Himagsikan. Ibibigay niya umano ang poder kung meron nang halal na iba.
Noong Agosto 28, 1901, itinalaga niya ang unang mga deputy at bagong opisyales ng Hukbo, para higit pang paigtingin ang labanan.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gotcha.com