^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag patawarin kahit kaalyado

Pilipino Star Ngayon

SINABI ni Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. noong Miyerkules sa isang Palace media briefing: “Ulitin po natin ang batayang-prinsipyo: Wala pong kinikilingan sino man ang ating administrasyon. Walang pinipili na tukuyin. Ang batayan lamang ay kongkretong ebidensiya.”

Ito ay may kaugnayan sa PDAF scam na ang mastermind ay si Janet Lim-Napoles kung saan “ikinanta” niya kay Justice Sec. Leila de Lima ang mga nalalaman ukol sa anomalya. Maraming sangkot na opisyal ng pamahalaan at kabilang dito ang tatlong senador at mga mambabatas na kaalyado ng administrasyon. Ganunman sinabi ni Coloma, na walang kikilingan ang pamahalaan kahit pa ang mga sangkot ay kanilang kaalyado. Nakahanda umano sila sa pag-prosecute at magiging parehas.

Lalo nang naging malaking isyu ang ukol sa PDAF scam nang lumantad si dating senador Panfilo Lacson at sabihing bago pa ang pakikipag-usap ni Sec. De Lima kay Napoles ay lumapit sa kanya ang kamag-anak ni Napoles at tinanong kung puwede siyang makausap. Nalaman ni Lacson na 12 incumbent at mga dating senador ang sangkot sa scam. Mas marami ang mga mambabatas na pawang kabilang sa Liberal Party.

Ngayon makikita kung totoo ang sinasabi ng Malacañang na walang kikilingan at inihahanda na ang pag-prosecute sa mga kaalyado.

Kapag nangyari ito, magkakaroon na nang katuparan ang pangarap ng mamamayan na makitang wala nang corruption sa pamahalaan. Wala nang pondong masusiyut sa bulsa ng corrupt na mambabatas. Hindi dapat patawarin ang mga kaalyadong nakinabang sa kanilang PDAF. Pera ng taumbayan ang kanilang pinagsawaan kaya dapat silang magdusa. Putulin na ang kanilang katakawan.

 

vuukle comment

DE LIMA

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE SEC

LIBERAL PARTY

NAPOLES

PANFILO LACSON

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPE

SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with