^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maging alerto sa MERS-CoV

Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang Middle East Respiratory Syn-  drome-Corona Virus o mas lalong kilala nga-yon sa tawag na MERS-CoV. Nakamamatay ang sakit na ito na walang ipinagkaiba sa SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome) na kumalat sa China no­ong 2002. Sintomas ng MERS-CoV ang lagnat, ubo, paninikip ng dibdib at diarrhea.

Ang MERS-CoV ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng isang 44-anyos na OFW sa Jed­dah, Saudi Arabia noong nakaraang Abril 12 subalit hindi pa ito nakukumpirma. Ayon sa mga kaanak ng namatay na OFW, limang taon na itong nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Nagkaroon umano ng lagnat ang biktima at saka dinala sa King Fahd Hospital at makaraan ang ilang araw ay namatay na ito. Hindi na pinayagang maiuwi ang bangkay ng OFW dahil sa quarantine restrictions. Doon na umano ito inilibing. Ayon naman sa report ng Saudi Ministry of Health, tinatayang kalahati sa 206 na po- sitibo sa MERS-CoV ang namatay. Unang nadiskubre ang MERS-CoV sa Jeddah noong 2012. Natuklasan ito ng isang virologist. Nanggaling umano ang virus sa paniki.

Lubhang mapanganib ang MERS-CoV kaya na-rarapat na maging alerto ang lahat lalo pa’t mara-ming OFW sa Saudi Arabia. Araw-araw ay may dumarating na mga OFW kaya nararapat magbantay ang mga awtoridad lalo ang Department of Health. Bago ang Mahal na Araw, isang lalaking nurse na galing sa United Arab Emirates ang nagpositibo sa MERS-CoV. Sumakay ang nasabing nurse sa Etihad Airlines Flight EY0424 noong Abril 15. Ang Etihad ay may 415 kabuuang pasahero.

Nananawagan ang DOH sa mga pasahero ng nasabing flight ng Etihad na makipag-ugnayan sa kanila para matesting sa nasabing virus. Maski si President Aquino ay ipinag-utos sa DOH na hanapin o kontakin ang mga pasahero ng nasabing eroplano.

Hindi dapat ipagwalambahala ang MERS-CoV sapagkat nakamamatay. Kung maaagapan ay hin­di na kakalat at maiiwasan ang panganib. Maki-pagtulungan ang lahat sa DOH.

 

ABRIL

ANG ETIHAD

ARAW

AYON

CORONA VIRUS

COV

DEPARTMENT OF HEALTH

MERS

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with