MAAARI ngang nagkaroon ng tax discrepancy si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pagbabayad ng buwis pero naniniwala akong hindi ito sinasadya.
Nakikita natin ang willingness ni Pacman na ituwid ang ano mang maling hindi sinasadyang nagawa, kung mayroon man. Kaya nakikiisa tayo sa apela ng mga Mambabatas na huwag namang hiyain si Pacman katulad ng ginawang panghihiya ng BIR sa mga propesyonal lalu na sa mga doktor na ipinakita sa isang poster na binubuhat ng isang guro.
Sabi nga ni Sen. Alan Peter Cayetano, “NO shame campaign vs. Pacquiao please!â€
Katulad din ng ibang mamamayan, napansin ni CayeÂtano na over acting at KSP o kulang sa pansin ang Bureau of Internal Revenue dahil sa pag-aabang sa tax na ibabayad ni Rep. Manny Pacquiao mula sa premyo na nakuha niya sa laban kay Timothy Bradley.
Sinabi ni Cayetano na habang ipinagbubunyi pa rin ng mga mamamayan ang panalo ng pambansang kamao, mas pinag-tutuunan naman ng pansin ng BIR ang tax scorecards ni Pacquiao. Hindi ko sinasabing huwag singilin ng buwis si Pacquiao. Bawat Pilipino ay may pananagutang magbayad ng buwis.
Pero ang paniningil kay Pacman, kung mayroon man siyang pagkukulang ay puwede namang gawin sa paraang matahimik at walang publisidad. Sa ginagawa kasi ni BIR Chief Kim Henares, lumalabas na siya ang kontrabida hindi lamang kay Pacman kundi sa bawat Pilipinong humahanga rito.
Sabi ni Senador Cayetano, “While Filipinos here and abroad are unanimous in hailing Manny Pacquiao in his most recent victory, the BIR here seems to be more eager in publicly flashing his tax scorecards,†sabi ni Cayetano.
Hindi aniya tama na i-demonize si Pacman na patuloy na naghahatid ng karangalan sa bansa.