MADALAS kong binabasa ang napakagandang essay ni Renato Constantino na ang pamagat ay “The Corrupt Society.†Ito ay unang nalathala sa Sunday Times noong Agosto 10, 1958. Bagamat anim na dekada na ang nakararaan mula nang isulat ito ni Constantino, ang katoÂtohanan ng kanyang mga sinabi hinggil sa ating lipunan ay tumpak pa rin hanggang ngayon. Si Constantino nga po pala ay lolo ni Kara David, isa sa mga paborito kong tv news anchor.
Pahintulutan n’yo po akong i-quote ang iilan lamang sa mga relevant na sinabi ni Constantino: “When we focus our attention only on the get-rich quick schemes of our officials, we fail to appreciate how widespread corruption is and how deeply it has sunk into each one of us. For a man is corrupt not merely because he peddles influence; he is also corrupt when he deliberately disparages local talent and production in favour of the foreign.â€
Halimbawa, kung mas mahilig tayo sa mga imported na mga talents katulad nina Bruno Mars, Aerosmith, Lady Gaga, Taylor Smith at iba pa sa halip na mas tinatangkilik natin sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Nina at iba pang Pinoy, corrupt din pala tayo ayon kay Constantino. Kung mas mahilig tayo sa Angus beef sa halip na Batangas beef, o sa Starbucks coffee sa halip ng Figaro o KNA, tayo ay nagiging kahanay na ng mga corrupt na mga official ng bansa.
Ito pa ang sinabi ni Constantino: “There is corruption of national character when we try to hide what is native and try to ape in a vulgar way occidental values and standards.
Si P-Noy na nagsabing “kung walang corrupt ay walang mahirap†ay corrupt na rin. Sa taunang vin d’ honeur niya sa Malacañang, ang pinainom niya sa mga bisita ay imported wines sa halip na lambanog o tuba.