^

PSN Opinyon

Killer transformers; at dry Holy Week

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ALL set na ang  Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad)  para sa tatlong araw na walang tubig. 139 water tankers ang gagala sa mga maapektuhang lugar sa Metro Manila at Cavite na mawawalan ng tubig. Libre yan kaya kung may maniningil, ireport agad sa Maynilad sa hotline na 1626.

 Tulad ng nasabi na natin, ang kawalan ng tubig ay dahil sa flood interceptor project ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kinakailangan kasing ibaba at ilihis ng Maynilad ang kanilang water pipe ng anim na metrong lalim. Ayon kay Cherubim Mojica, Corporate Communications Head of Maynilad na bukod pa sa kanilang mga water tanker, ipaiikot na rin ng  Lungsod ng Maynila at Parañaque ang kani-kanilang mga tangke ng tubig bukod sa mga apektadong lugar na nasasakupan.

 Kahit libre ang irarasyong tubig, makabubuting mag-imbak na rin  tayo. Kung may magtatangka raw maningil, ireport agad sa Maynilad hotline 1626.

* * *

Matatawag bang “price of development” ang malaking panganib sa kalusugan ng mga ibinasurang transformers tulad din ng mga itinapon nang mga baterya, computers at iba pa na nagtataglay ng mga kemikal na lason sa kalusugan?

Anang mga eksperto, ito ay  malamang magbunga ng matinding kalamidad pagdating ng araw. Ang naturang elemento ay ang plychlorinated biphenyls na gamit sa mga transformers at tinatayang 7,000 tonelada nito ang malamang  kumalat sa kapaligiran anang  Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Noon pang 1970s na-phased out ang sangkap na ito. Pero mayroon pang mga lumang gusali at pasilidad  na namamahagi ng elektrisidad na nag-iingat ng mga lumang kasangkapang may ganyang sangkap.  Ayon sa mga eksperto, nagdudulot ito ng cancer, at depekto sa mga isinisilang na babies. Maaaring maapektuhan ang mga taong exposed sa mga contaminated oils sa lupa at tubig. Puwede ring maapektuhan kapag nakakain ng mga lamang dagat na nakakain ng naturang kimikal.

Nagtayo na ang  DENR at United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) ng treatment  facilities  sa  industrial park ng Philippine National Oil Company (PNOC) sa Bataan na natapos na noong 2010. Pero bakit hangga ngayon ay hindi nagooperate ito? Gumastos ang gobyerno ng P150 million para dito. Pantawag pansin lang po.

vuukle comment

AYON

CHERUBIM MOJICA

CORPORATE COMMUNICATIONS HEAD OF MAYNILAD

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SERVICES

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with