MATAPOS ang limang linggo ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoon, sinikap nating tuparin ang ating pananagutan sa Diyos at sa ating kapwa. Ito ang Mahal na Araw, araw ng ating paggunita sa paghahandog ni Hesus ng Kanyang sariling buhay upang sagipin tayo at patawarin. Tanungin natin ang sarili. Pinaghahandaan ba natin ang linggong ito upang maging mapayapa tayo sa darating na Muling Pagkabuhay ng Panginoon?
Paalaala sa atin ni Isaias na maging handa tayong magtiis sa mga pagsubok ng Panginoon sapagkat Siya ang tumutulong sa atin. Lakasan natin ang ating loob at hindi Niya tayo pababayaan kahima’t kung minsan ay napapasama rin tayo sa awit ni David: “D’yos ko. D’yos ko! Bakit mo ako pinabayaan?†Sa pagliligtas sa atin ni Hesus, hindi Siya nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos Ama. Nagpakababa Siya bilang tao na katulad natin, kaya naman Siya’y itinampok ng Diyos.
Isinakatuparan ni Hesus ang Kanyang pasyon upang sagipin tayo sa kasalanan. Matagal nang panahon na hindi tayo nagbabalik-loob. “Sa gabing ito, Ako’y iiwan ninyong lahat, gaya ng nasa kasulatan. Papatayin ko ang Aking Pastol, magkakawatak-watak ang mga tupa.â€
Sa mga nangyayari sa daigdig sa panahong ito: Lindol, baha, tsunami, giyera, patayan, away, pagpapakamatay, abortion, pagpatay at pagtatapon sa mga sanggol, ito na ang panahon na dapat nating buksan ang isipan. Magsisi tayo sapagkat darating ang Panginoon. Lagi nating tanu-ngin ang ating sarili: Ano ba ang gagawin ko at saan ako pupunta ngayong Mahal na Araw? Ikaw lamang ang makasasagot ng tanong na iyan.
Isaias 50:4-7; Salmo 22; Filipos 2:6-11 at Mateo 26:14-27, 66