^

PSN Opinyon

Kamatayan, bahagi ng tunay na buhay

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

AYON kay propeta Ezekiel, ang muling bubuksan ng Panginoon ay ang mga libingan at hihingahan Niyang muli at bubuhayin ang mga patay. Kaya’t sa mga pangyayari ngayon na lindol at sigalot na Bagyong si Yolanda  ay isang paala-ala na magaganap na ang lahat ng plano ng Panginoon. Kaya paghandaan natin ito sa pamamagitan ng ating pagbabalik-loob sa Kanya. “Sa piling ng Poong Diyos, may pag-ibig at pagtubos”.

Isang babala sa atin ni Pablo na mamuhay tayo ayon sa Espiritu ng Diyos upang muli Niya tayong buhayin sa huling araw. Sapagka’t kung tayo’y nabubuhay ayon sa laman ay hindi tayo kalulugdan ng Panginoon.

Sa kabuuan ng ebanghelyo sa araw na ito ay ipinakita sa atin ang pagpapatunay ni Hesus na Siya ang muling pagkabuhay at ang buhay. Matalik na kaibigan ni Hesus ang magkakapatid na Lazaro, Marta at Maria Magdalena. Sa kanilang bahay ay palagiang kumakain si Hesus at mga alagad. Nagkasakit si Lazaro at ibinalita nina Marta at Maria kay Hesus: “Panginoon, ang kaibigan mong minamahal ay may sakit”. Ang tanging sagot ni Hesus: “Hindi magwawakas sa kamatayan ang sakit na ito. Nangyari ito upang maparangalan ang  Diyos at sa pamamagitan nito’y maparangalan ang Anak ng Diyos”.

Nagpatuloy si Hesus ng pangangaral sa malayong lugar at makalipas ang ilang araw ay nagbalik sa Betania na apat na araw nang nakalibing si Lazaro. Nabalitaan ni Marta na parating na si Hesus, nagmamadali niyang sinalubong at sinabi: “Panginoon, kung kayo po’y narito hindi sana namatay ang aking kapatid.” “Muling mabubuhay ang iyong kapatid” sabi ni Hesus. Sumagot si Marta na nalalaman niya ang muling pagkabuhay sa huling araw.

Kadalasan ay hindi natin matanggap ang pagpanaw ng ating mahal sa buhay.  Tulad ni Marta ay sinasabi natin: “Panginoon kung narito ka lamang hindi namatay ang aking kapatid”. Para bang sinisisi pa natin ang Diyos. “Omnia tempus havent (Ecclesiastes3:1)”. Panahon ng pagsilang at panahon ng kamatayan. Kadalasan ay hindi natin ito matanggap. Bakit? Hindi ba tayo handa?

Ezekiel37:12-14; Salmo129; Roma8:8-11 at Juan11:1-45

* * *

Ngayon binyag ko apo sa pamangkin, Ian Jonathan Lleva Acevedo dito simbahan Deerpark, NY, USA

 

DIYOS

HESUS

IAN JONATHAN LLEVA ACEVEDO

KADALASAN

KAYA

LAZARO

MARTA

PANGINOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with