KINUHA na ni Lord si Caloy matapos itong atakihin sa puso habang nakasakay sa taxi galing sa NAIA Terminal 3.
Si Kaloiski o Caloy, ay reporter ng Bulgar nang ito ay kunin ni Lord.
Ang labi ni Kaloiski ay ibuburol sa St. Therese Chapel sa tapat ng NAIA terminal 3 dyan sa may Villamor Airbase.
Wala pang sked ng kanyang libing habang sinusulat ng mga kuwago ng ORA MISMO ito.
Abangan
3-cock derby ni Kuyang Biyong
SIMULA tomorrow, 11 days aarangkada na ang pasabong para sa mga kasabong ni Atty. Silverio Garing, aka Kuya Biyong dahil sa April 11, 2014, Biernes dakong alas - 6pm, umpisa nang 3-cock derby dyan sa Victoria Cocpit Arena, Victoria, Oriental Mindoro.
Tirada ni Kuyang Biyong, P5,500 ang pot money, P5,500 ang minimum bet at ang premyo ay ‘open’ with matching trophy sa magwawagi.
Ayon sa birada ni Kuyang Biyong, ang desired weight ay 1.8 - 2.4 kgs., at ang submission ng weight ay sa araw ng pasabong nito dakong alas 7am to 12pm.
Para sa clubhouse reservation tumawag o mag-txt kina Edson - 0949-989-5380 o 0926-213-2748, Ando 0948-821-2913 o kaya kay Tata 0949-624-51-42. Ang promoter ay si Atty. Silverio Garing.
Colored games sa Baguio
IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi biro ang sugalan blues dyan sa Baguio City pati mga pangalan ng ‘top brass’ ng PNP - CIDG, taga - cityhall, NBI at ilang taga - media ay ginagamit ng isang alyas Billy Malabanan para umarangkada ang apat na puesto nila sa ‘çolored games.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sugal lupa ang çolored games pero hindi biro ang mananaya rito dahil pati mga menor-de edad ay pinapayagan nilang tumaya para magsugal.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang pasugal ay naka-lokasyon o nakapuesto dyan sa may Burnham Park, Barangay Otek sa may likuran ng Andok’s at sa may terminal ng jeep sa may Barangay Magsaysay pinatatakbo ng isang alyas Oldak, isang alyas Jerry ‘’bawasan’’ ang nagpapatakbo sa may Barangay Slaugther house ito nakapuesto at sa isang lugar dyan sa may Barangay Hilltop at the back of barangay hall.
Titignan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang PNP - CIDG at NBI dyan sa Baguio City kung patitigilin nila o hindi ang nasabing sugalan blues ng mga kamote.
Abangan.