ALAM n’yo bang ginawang taga-alaga ng tuta ang isang bodyguard ng lady official?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Navy Capt. Loumer Bernabe, Ret. Gen. Rene Calonzo, Raymond Dadpaas ng DZRH, Benjie Liwanag ng DZBB, Benjie Alejandro, Bro. Edwin Borja at Bro. Julius Mendoza ng Cagayan de Oro City.
Alam n’yo bang meron na ring palang gumagaya sa isang opisyal ng Commission on Audit (COA) na inuutusan ang kanyang bodyguard na mag-alaga sa kanyang tuta?
Ayon sa aking bubwit, nakakahawa pala itong ginagawa ng opisyal ng COA. Itong lady official ng COA ay may tinatawag na 4 o’clock habit. Pagsapit ng 4:00 p.m., inilalabas na ni bodyguard sa opisina ang tuta ni Mam.
Pinapa-tae pala ‘yung tuta ni Maam sa compound ng kanilang opisina bago ito umuwi sa kanyang condominium sa Serendra, Global City, Taguig.
Ayon sa aking bubwit, ang lady official naman ng Office of the Ombudsman ay nagdadala rin ng alagang tuta sa kanilang opisina. Paging Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Hindi naman bawal mag-alaga ng tuta pero huwag namang dadalhin pa sa opisina. At lalo namang huwag pababantayan o gawin pang taga-alaga ang bodyguard na pulis o kaya sundalo. Siguro, nakakaalis ng stress at nakakalibang mag-alaga ng tuta katulad ng mga alaga nilang shit-tzu kaya dinadala pa sa opisina.
Ayon sa aking bubwit, ang isa pang lady official na nagdadala ng tuta sa opisina at pinaaalagaan sa kanyang bodyguard ay si Atty. B. as in St. Bernard ng Ombudsman.